Kasalukuyang oras
Panalangin sa Hatinggabi
Sa hatinggabi, nagbabantay tayo sa pagdating ng Panginoon at inaalala ang Kanyang panalangin sa Getsemani.
AMA NAMIN
Magsidalangin nga kayo ng ganito: Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo.
Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa.
Ibigay mo sa amin ngayon ang aming kakanin sa araw-araw.
At ipatawad mo sa amin ang aming mga utang, gaya naman namin na nagpatawad sa mga may utang sa amin.
At huwag mo kaming ihatid sa tukso, kundi iligtas mo kami sa masama. Sapagka't iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailan man. Siya nawa.
ANG PANALANGIN NG PASASALAMAT

AWIT 50
Ang makapangyarihang Dios, ang Dios na Panginoon, ay nagsalita, at tinawag ang lupa mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog niyaon.
Mula sa Sion na kasakdalan ng kagandahan, sumilang ang Dios.
Ang aming Dios ay darating at hindi tatahimik; isang apoy na mamumugnaw sa harap niya, at magiging totoong malaking bagyo sa palibot niya.
Siya'y tatawag sa langit sa itaas, at sa lupa upang mahatulan niya ang kaniyang bayan:
Pisanin mo ang aking mga banal sa akin; yaong nangakikipagtipan sa akin sa pamamagitan ng hain.
At ipahahayag ng langit ang kaniyang katuwiran; sapagka't ang Dios ay siyang hukom. (Selah)
Iyong dinggin, Oh aking bayan, at ako'y magsasalita; Oh Israel, at ako'y magpapatotoo sa iyo: Ako'y Dios, iyong Dios.
Hindi kita sasawayin dahil sa iyong mga hain; at ang iyong mga handog na susunugin ay laging nangasa harap ko.
Hindi ako kukuha ng baka sa iyong bahay, ni ng kambing na lalake sa iyong mga kawan.
Sapagka't bawa't hayop sa gubat ay akin, at ang hayop sa libong burol.
Nakikilala ko ang lahat ng mga ibon sa mga bundok: at ang mga mabangis na hayop sa parang ay akin.
Kung ako'y magutom ay hindi ko sasaysayin sa iyo: sapagka't ang sanglibutan ay akin, at ang buong narito.
Kakanin ko ba ang laman ng mga toro, o iinumin ang dugo ng mga kambing?
Ihandog mo sa Dios ang haing pasasalamat: at tuparin mo ang iyong mga panata sa Kataastaasan:
At tumawag ka sa akin sa kaarawan ng kabagabagan; ililigtas kita, at iyong luluwalhatiin ako.
Nguni't sa masama ay sinasabi ng Dios, Anong iyong gagawin upang ipahayag ang aking mga palatuntunan, at iyong kinuha ang aking tipan sa iyong bibig?
Palibhasa't iyong kinapopootan ang pagtuturo, at iyong iniwawaksi ang aking mga salita sa likuran mo.
Pagka nakakita ka ng magnanakaw, pumipisan ka sa kaniya, at naging kabahagi ka ng mga mapangalunya.
Iyong ibinubuka ang iyong bibig sa kasamaan, at ang iyong dila ay kumakatha ng karayaan.
Ikaw ay nauupo, at nagsasalita laban sa iyong kapatid; iyong dinudusta ang anak ng iyong sariling ina.
Ang mga bagay na ito ay iyong ginawa, at ako'y tumahimik; iyong inisip na tunay na ako'y gayong gaya mo: nguni't sasawayin kita, at aking isasaayos sa harap ng iyong mga mata.
Gunitain nga ninyo ito, ninyong nangakalilimot sa Dios, baka kayo'y aking pagluraylurayin at walang magligtas:
Ang naghahandog ng haing pasasalamat ay lumuluwalhati sa akin; at sa kaniya na nagaayos ng kaniyang pakikipagusap aking ipakikita ang pagliligtas ng Dios.
Pagkatapos ay sasabihin ng sumasamba:

AWIT 133
Masdan ninyo, na pagkabuti at pagkaligaya sa mga magkakapatid na magsitahang magkakasama sa pagkakaisa!
Parang mahalagang langis sa ulo, na tumutulo sa balbas, sa makatuwid baga'y sa balbas ni Aaron. Na tumulo sa laylayan ng kaniyang mga suot;
Gaya ng hamog sa Hermon, na tumutulo sa mga bundok ng Sion: sapagka't doon pinarating ng Panginoon ang pagpapala, sa makatuwid baga'y ang buhay na magpakailan pa man.
Magsitindig, O mga Anak ng Liwanag
Magsitindig, O mga Anak ng Liwanag 1
Magsitindig, O mga anak ng liwanag, upang purihin ang Panginoon ng mga Hukbo, upang pagkalooban Niya kami ng kaligtasan ng aming mga kaluluwa. Kapag kami'y nakatayo sa harap Mo sa laman, alisin Mo mula sa aming mga isipan ang antok ng kapabayaan. Ipagkaloob Mo sa amin, O Panginoon, ang pagbabantay upang aming maunawaan kung paano tumayong nararapat sa Iyong harapan sa oras ng panalangin, at maitaas namin sa Iyo ang karapat-dapat na papuri roon sa itaas, at kamtin ang kapatawaran ng aming maraming kasalanan. (Luwalhati sa Iyo, O Mapagmahal sa mga tao)
Magsitindig, O mga Anak ng Liwanag 2
Pagpalain ang Panginoon, kayong mga lingkod ng Panginoon, na nakatayo sa bahay ng Panginoon, sa mga looban ng ating Diyos. Sa mga gabi ay itaas ninyo ang inyong mga kamay tungo sa kabanalan, at basbasan ninyo ang Panginoon. Pagpalain nawa kayo ng Panginoon mula sa Sion, na lumikha ng langit at ng lupa. (Luwalhati sa Iyo, O Mapagmahal sa mga tao)
Magsitindig, O mga Anak ng Liwanag 3
Lumapit nawa sa Iyong harapan ang aking pagsusumamo, O Panginoon; ayon sa Iyong salita ay bigyan Mo ako ng unawa. Papasukin nawa ang aking dalangin sa Iyong harapan, O Panginoon; ayon sa Iyong salita ay buhayin Mo ako. Magbubulalas ang aking mga labi ng papuri, kapag tinuruan Mo ako ng Iyong mga palatuntunan. Ang aking dila ay magsasalita ng Iyong mga kahatulan, sapagkat lahat ng Iyong mga utos ay matuwid. Maging handa nawa ang Iyong kamay sa aking kaligtasan, sapagkat kinalaunan ko ang Iyong mga utos. Pinanabikan ko ang Iyong kaligtasan, O Panginoon, at ang Iyong kautusan ay aking pagbabasa. Mabuhay ang aking kaluluwa at pupurihin Ka, at tutulungan ako ng Iyong mga kahatulan. Ako'y naligaw na parang tupang nawawala; hanapin Mo ang Iyong lingkod, sapagkat ang Iyong mga utos ay hindi ko nakalimutan.
Luwalhati sa Ama at sa Anak at sa Espiritu Santo, ngayon at kailanman at hanggang sa mga kapanahunan ng mga kapanahunan. Amen. Luwalhati sa Ama at sa Anak at sa Espiritu Santo, mula ngayon at hanggang sa walang katapusan ng lahat ng panahon. Amen. Luwalhati sa Iyo, O Mapagmahal sa mga tao, ang Mabuti. Kapayapaan sa Iyong Inang Birhen, kasama ng lahat ng Iyong mga banal. Luwalhati sa Iyo, O Banal na Santatlo; maawa Ka sa amin.
Bumangon nawa ang Diyos, at mangalat ang lahat ng Kaniyang mga kaaway, at tumakas mula sa harap ng Kaniyang mukha ang lahat ng napopoot sa Kaniyang banal na Pangalan. Ngunit ang Iyong bayan nawa'y maging pinagpala, libu-libong libo at sampu-sampung libo, na gumaganap ng Iyong kalooban. Panginoon, buksan Mo ang aking mga labi, at ang aking bibig ay magpahayag ng Iyong papuri. Amen. Aleluya.
Simula ng Panalangin
AWIT 3
Panginoon, ano't ang aking mga kaaway ay nagsisidami! Marami sila na nagsisibangon laban sa akin.
Marami ang nagsasabi sa aking kaluluwa: walang tulong sa kaniya ang Dios. (Selah)
Nguni't ikaw, Oh Panginoon ay isang kalasag sa palibot ko: aking kaluwalhatian; at siyang tagapagtaas ng aking ulo.
Ako'y dumadaing ng aking tinig sa Panginoon, at sinasagot niya ako mula sa kaniyang banal na bundok. (Selah)
Ako'y nahiga, at natulog; ako'y nagising; sapagka't inaalalayan ako ng Panginoon.
Ako'y hindi matatakot sa sangpung libo ng bayan, na nagsihanda laban sa akin sa buong palibot.
Bumangon ka, Oh Panginoon; iligtas mo ako, Oh aking Dios: sapagka't iyong sinampal ang lahat ng aking mga kaaway; iyong binungal ang mga ngipin ng masasama.
Pagliligtas ay ukol sa Panginoon: sumaiyong bayan nawa ang iyong pagpapala. (Selah)
AWIT 6
Oh Panginoon, huwag mo akong sawayin sa iyong galit, ni parusahan mo man ako sa iyong mahigpit na sama ng loob.
Maawa ka sa akin, Oh Panginoon; sapagka't ako'y naluluoy, Oh Panginoon, pagalingin mo ako; sapagka't ang aking mga buto ay nagsisipangalog.
Ang akin ding kaluluwa ay nababagabag na mainam: at ikaw, Oh Panginoon, hanggang kailan?
Bumalik ka, Oh Panginoon, palayain mo ang aking kaluluwa: iligtas mo ako alangalang sa iyong kagandahang-loob.
Sapagka't sa kamatayan ay walang alaala sa iyo; sa Sheol ay sinong mangagpapasalamat sa iyo?
Ako'y pagal ng aking pagdaing; gabigabi ay aking pinalalangoy ang aking higaan; Aking dinidilig ang aking hiligan ng aking mga luha.
Ang aking mga mata ay nangamumugto dahil sa kapanglawan; tumatanda ako dahil sa aking lahat na kaaway.
Magsilayo kayo sa akin, kayong lahat na manggagawa ng kasamaan: sapagka't narinig ng Panginoon ang tinig ng aking pagtangis.
Narinig ng Panginoon ang aking pananaing; tatanggapin ng Panginoon ang aking dalangin.
Lahat ng kaaway ko'y mapapahiya, at mababagabag na mainam: sila'y magsisibalik, sila'y mangapapahiyang kagyat.
AWIT 12
Tumulong ka, Panginoon, sapagka't ang banal na tao ay nalilipol; sapagka't nagkukulang ng tapat sa gitna ng mga anak ng mga tao.
Sila'y nangagsasalitaan bawa't isa ng kabulaanan, sa kanikaniyang kapuwa: na may mapanuyang labi, at may giring pulang puso na nangagsasalita.
Ihihiwalay ng Panginoon, ang lahat na mapanuyang labi, ang dila na nagsasalita ng mga dakilang bagay:
Na nagsipagsabi, sa pamamagitan ng aming dila ay magsisipanaig kami; ang aming mga labi ay aming sarili: sino ang panginoon sa amin?
Dahil sa pagsamsam sa dukha, dahil sa buntong hininga ng mapagkailangan, titindig nga ako, sabi ng Panginoon; ilalagay ko siya sa kaligtasang kaniyang pinagmimithian.
Ang mga salita ng Panginoon ay mga dalisay na salita; na gaya ng pilak na sinubok sa hurno sa lupa, na makapitong dinalisay.
Iyong iingatan sila, Oh Panginoon, iyong pakaingatan sila mula sa lahing ito magpakailan man.
Ang masama ay naggala saa't saan man. Pagka ang kapariwaraan ay natataas sa gitna ng mga anak ng mga tao.
AWIT 69
Iligtas mo ako, Oh Dios; sapagka't ang tubig ay tumabon sa aking kaluluwa.
Ako'y lumulubog sa malalim na burak na walang tayuan: ako'y lumulubog sa malalim na tubig, na tinatabunan ako ng agos.
Ako'y hapo sa aking daing; ang lalamunan ko'y tuyo: ang mga mata ko'y nangangalumata habang hinihintay ko ang aking Dios.
Silang nangagtatanim sa akin ng walang anomang kadahilanan ay higit kay sa mga buhok ng aking ulo: silang ibig maghiwalay sa akin, na mga kaaway kong may kamalian, ay mga makapangyarihan: akin ngang isinauli ang hindi ko kinuha.
Oh Dios, kilala mo ang kamangmangan ko; at ang mga kasalanan ko'y hindi lihim sa iyo.
Huwag mangapahiya dahil sa akin ang nangaghihintay sa iyo, Oh Panginoong Dios ng mga hukbo: huwag mangalagay sa kasiraang puri dahil sa akin ang nagsisihanap sa iyo, Oh Dios ng Israel.
Sapagka't dahil sa iyo ay nagdala ako ng kadustaan; kahihiyan ay tumakip sa aking mukha.
Ako'y naging iba sa aking mga kapatid, at taga ibang lupa sa mga anak ng aking ina.
Sapagka't napuspos ako ng sikap sa iyong bahay; at ang mga pagduwahagi nila na nagsisiduwahagi sa iyo ay nangahulog sa akin.
Pag umiiyak ako at pinarurusahan ko ng pagaayuno ang aking kaluluwa, yao'y pagkaduwahagi sa akin.
Nang magsuot ako ng kayong magaspang, ay naging kawikaan ako sa kanila.
Pinag-uusapan ako nilang nangauupo sa pintuang-bayan; at ako ang awit ng mga lango.
Nguni't tungkol sa akin, ang dalangin ko'y sa iyo, Oh Panginoon, sa isang kalugodlugod na panahon: Oh Dios, sa karamihan ng iyong kagandahang-loob,
Iligtas mo ako sa burak, at huwag mo akong ilubog: maligtas ako sa kanila na nangagtatanim sa akin, at sa malalim na tubig.
Huwag akong tangayin ng baha, ni lamunin man ako ng kalaliman: at huwag takpan ng hukay ang kaniyang bunganga sa akin.
Sagutin mo ako, Oh Panginoon; sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay mabuti: ayon sa karamihan ng iyong mga malumanay na kaawaan ay bumalik ka sa akin.
At huwag mong ikubli ang iyong mukha sa iyong lingkod; sapagka't ako'y nasa kahirapan; sagutin mo akong madali.
Lumapit ka sa aking kaluluwa, at tubusin mo: Iligtas mo ako dahil sa aking mga kaaway.
Talastas mo ang aking kadustaan, at ang aking kahihiyan, at ang aking kasiraang puri: ang aking mga kaaway, ay pawang nangasa harap mo.
Kaduwahagihan ay sumira ng aking puso; at ako'y lipos ng kabigatan ng loob: at ako'y naghintay na may maawa sa akin, nguni't wala; at mga mangaaliw, nguni't wala akong masumpungan.
Binigyan naman nila ako ng pagkaing mapait; at sa aking kauhawan ay binigyan nila ako ng suka na mainom.
Maging lalang sa harap nila ang kanilang dulang; at maging isang silo kung sila'y nasa kapayapaan.
Manglabo ang kanilang mga mata, na sila'y huwag makakita; at papanginigin mong palagi ang kanilang mga balakang.
Ibugso mo ang iyong galit sa kanila, at datnan sila ng kabangisan ng iyong galit.
Magiba ang tahanan nila; walang tumahan sa kanilang mga tolda.
Sapagka't kanilang hinabol siya na iyong sinaktan, at sinaysay nila ang damdam niyaong iyong sinugatan.
At dagdagan mo ng kasamaan ang kanilang kasamaan: at huwag silang masok sa iyong katuwiran.
Mapawi sila sa aklat ng buhay, at huwag masulat na kasama ng matuwid.
Nguni't ako'y dukha at mapanglaw: sa pamamagitan ng pagliligtas mo, Oh Dios, ay iahon mo nawa ako.
Aking pupurihin ng awit ang pangalan ng Dios, at dadakilain ko siya ng pasalamat.
At kalulugdan ng Panginoon na higit kay sa isang baka, o sa toro na may mga sungay at mga paa.
Nakita ng mga maamo, at nangatuwa: mabuhay ang puso, ninyong nagsisihanap sa Dios.
Sapagka't dinidinig ng Panginoon ang mapagkailangan, at hindi hinahamak ang kaniyang mga bilanggo.
Purihin siya ng langit at lupa, ng mga dagat, at ng bawa't bagay na gumagalaw roon.
Sapagka't ililigtas ng Dios ang Sion, at itatayo ang mga bayan ng Juda; at sila'y magsisitahan doon, at tatangkilikin nila na pinakaari.
Mamanahin naman ng binhi ng kaniyang mga lingkod; at silang nagsisiibig ng kaniyang pangalan ay magsisitahan doon.
AWIT 85
Panginoon, ikaw ay naging lingap sa iyong lupain: iyong ibinalik ang nangabihag ng Jacob.
Iyong pinatawad ang kasamaan ng iyong bayan, iyong tinakpan ang lahat nilang kasalanan, (Selah)
Iyong pinawi ang buong poot mo: iyong tinalikdan ang kabangisan ng iyong galit.
Ibalik mo kami, Oh Dios ng aming kaligtasan, at papaglikatin mo ang iyong galit sa amin.
Magagalit ka ba sa amin magpakailan man? Iyo bang ipagpapatuloy ang iyong galit sa lahat ng sali't saling lahi?
Hindi mo ba kami bubuhayin uli: upang ang iyong bayan ay magalak sa iyo?
Ipakita mo sa amin ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon, at ipagkaloob mo sa amin ang iyong pagliligtas.
Aking pakikinggan kung ano ang sasalitain ng Dios na Panginoon: sapagka't siya'y magsasalita ng kapayapaan sa kaniyang bayan at sa kaniyang mga banal: nguni't huwag silang manumbalik uli sa kaululan.
Tunay na ang kaniyang pagliligtas ay malapit sa kanila na nangatatakot sa kaniya; upang ang kaluwalhatian ay tumahan sa aming lupain.
Kaawaan at katotohanan ay nagsalubong; katuwiran at kapayapaan ay naghalikan.
Katotohanan ay bumubukal sa lupa; at ang katuwiran ay tumungo mula sa langit.
Oo, ibibigay ng Panginoon ang mabuti; at ang ating lupain ay maguunlad ng kaniyang bunga.
Katuwira'y mangunguna sa kaniya; at gagawing daan ang kaniyang mga bakas.
AWIT 90
Panginoon, ikaw ay naging tahanang dako namin sa lahat ng sali't saling lahi.
Bago nalabas ang mga bundok, O bago mo nilikha ang lupa at ang sanglibutan, mula nga ng walang pasimula hanggang sa walang hanggan, ikaw ang Dios.
Iyong pinapagiging kapahamakan ang tao; at iyong sinasabi, Magsipanumbalik kayo, kayong mga anak ng mga tao.
Sapagka't isang libong taon sa iyong paningin ay parang kahapon lamang nang makaraan, at parang pagpupuyat sa gabi.
Iyong dinadala sila na parang baha; sila'y parang pagkakatulog: sa kinaumagahan ay parang damo sila na tumutubo.
Sa kinaumagahan ay namumulaklak at lumalago; sa kinahapunan ay pinuputol at natutuyo.
Sapagka't kami ay nangasupok sa iyong galit, at sa iyong poot ay nangabagabag kami.
Iyong inilagay ang aming kasamaan sa harap mo, ang aming lihim na mga kasalanan sa liwanag ng iyong mukha.
Sapagka't lahat naming kaarawan ay dumaan sa iyong poot: aming niwawakasan ang aming mga taon na parang isang buntong hininga.
Ang mga kaarawan ng aming mga taon ay pitong pung taon, o kung dahil sa kalakasan ay umaabot ng walong pung taon; gayon ma'y ang kanilang kapalaluan ay hirap at kapanglawan lamang; sapagka't madaling napapawi, at kami ay nagsisilipad.
Sinong nakakaalam ng kapangyarihan ng iyong galit, at ng iyong poot ayon sa katakutan na marapat sa iyo?
Kaya ituro mo sa amin ang pagbilang ng aming mga kaarawan, upang kami ay mangagtamo sa amin ng pusong may karunungan.
Manumbalik ka, Oh Panginoon; hanggang kailan pa? At iyong papagsisihin ang tungkol sa mga lingkod mo.
Oh busugin mo kami sa kinaumagahan ng iyong kagandahang-loob; upang kami ay mangagalak at mangatuwa sa lahat ng kaarawan namin.
Pasayahin mo kami ayon sa mga kaarawan na iyong idinalamhati sa amin, at sa mga taon na aming ikinakita ng kasamaan.
Mahayag nawa ang iyong gawa sa iyong mga lingkod, at ang kaluwalhatian mo sa kanilang mga anak.
At sumaamin nawa ang kagandahan ng Panginoong aming Dios: at iyong itatag sa amin ang gawa ng aming mga kamay; Oo, ang gawa ng aming mga kamay ay itatag mo.
AWIT 116
Aking iniibig ang Panginoon, sapagka't kaniyang dininig ang aking tinig at aking mga hiling.
Sapagka't kaniyang ikiniling ang kaniyang pakinig sa akin, kaya't ako'y tatawag sa kaniya habang ako'y nabubuhay.
Ang tali ng kamatayan ay pumulupot sa akin, at ang mga sakit ng Sheol ay nagsihawak sa akin: aking nasumpungan ang kabagabagan at kapanglawan.
Nang magkagayo'y tumawag ako sa pangalan ng Panginoon; Oh Panginoon, isinasamo ko sa iyo, iligtas mo ang aking kaluluwa.
Mapagbiyaya ang Panginoon, at matuwid; Oo, ang Dios namin ay maawain.
Pinalalagi ng Panginoon ang mga tapat na loob: ako'y nababa, at kaniyang iniligtas ako.
Bumalik ka sa iyong kapahingahan, Oh kaluluwa ko; sapagka't ginawan ka ng mabuti ng Panginoon.
Sapagka't iyong iniligtas ang kaluluwa ko sa kamatayan, at ang mga mata ko sa mga luha, at ang mga paa ko sa pagkabuwal.
Ako'y lalakad sa harap ng Panginoon, sa lupain ng mga buhay.
Ako'y sumasampalataya, sapagka't ako'y magsasalita: ako'y lubhang nagdalamhati:
Aking sinabi sa aking pagmamadali, lahat ng tao ay bulaan.
Ano ang aking ibabayad sa Panginoon dahil sa lahat niyang kabutihan sa akin?
Aking kukunin ang saro ng kaligtasan, at tatawag ako sa pangalan ng Panginoon.
Aking babayaran ang mga panata ko sa Panginoon, Oo, sa harapan ng buo niyang bayan.
Mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kaniyang mga banal.
Oh Panginoon, tunay na ako'y iyong lingkod; ako'y iyong lingkod, na anak ng iyong lingkod na babae; iyong kinalag ang aking mga tali.
Aking ihahandog sa iyo ang hain na pasalamat, at tatawag ako sa pangalan ng Panginoon.
Aking babayaran ang mga panata ko sa Panginoon, Oo, sa harapan ng buo niyang bayan;
Sa mga looban ng bahay ng Panginoon, sa gitna mo, Oh Jerusalem. Purihin ninyo ang Panginoon.
AWIT 117
Oh purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na mga bansa: purihin ninyo siya, ninyong lahat na mga bayan.
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay dakila sa atin; at ang katotohanan ng Panginoon ay magpakailan man. Purihin ninyo ang Panginoon.
AWIT 118 (I)
Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
Magsabi ngayon ang Israel, na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
Magsabi ngayon ang sangbahayan ni Aaron, na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
Mangagsabi ngayon ang nangatatakot sa Panginoon, na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
Sa aking kapanglawan ay tumawag ako sa Panginoon: sinagot ako ng Panginoon, at inilagay ako sa maluwag na dako.
Ang Panginoon ay kakampi ko; hindi ako matatakot: anong magagawa ng tao sa akin?
Ang Panginoon ay kakampi ko sa gitna nila na nagsisitulong sa akin: kaya't makikita ko ang nasa ko sa kanila na nangagtatanim sa akin.
Lalong mabuti ang manganlong sa Panginoon kay sa maglagak ng tiwala sa tao.
Lalong mabuti ang manganlong sa Panginoon kay sa maglagak ng tiwala sa mga pangulo.
Kinubkob ako ng lahat ng mga bansa sa palibot: sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila.
Kanilang kinubkob ako sa palibot; oo, kanilang kinubkob ako sa palibot: sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila.
Kanilang kinubkob ako sa palibot na parang mga pukyutan: sila'y nangamatay na parang apoy ng mga dawag: sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila.
Itinulak mo akong bigla upang ako'y mabuwal: nguni't tulungan ako ng Panginoon.
Ang Panginoon ay aking kalakasan at awit; at siya'y naging aking kaligtasan.
Ang tinig ng kagalakan at kaligtasan ay nasa mga tolda ng matuwid: ang kanan ng Panginoon ay gumagawang matapang.
Ang kanan ng Panginoon ay nabunyi; ang kanan ng Panginoon ay gumagawang matapang.
Hindi ako mamamatay, kundi mabubuhay, at magpapahayag ng mga gawa ng Panginoon.
Pinarusahan akong mainam ng Panginoon; nguni't hindi niya ako ibinigay sa kamatayan.
Buksan ninyo sa akin ang mga pintuan ng katuwiran; aking papasukan, ako'y magpapasalamat sa Panginoon.
Ito'y siyang pintuan ng Panginoon; papasukan ng matuwid.
Ako'y magpapasalamat sa iyo, sapagka't sinagot mo ako! At ikaw ay naging aking kaligtasan.
Ang bato na itinakuwil ng nangagtayo ng bahay ay naging pangulo sa sulok.
Ito ang gawa ng Panginoon: kagilagilalas sa harap ng ating mga mata.
Ito ang araw na ginawa ng Panginoon; tayo'y mangagagalak at ating katutuwaan.
Magligtas ka ngayon, isinasamo namin sa iyo, Oh Panginoon: Oh Panginoon, isinasamo namin sa iyo, magsugo ka ngayon ng kaginhawahan.
Mapalad siya na dumarating sa pangalan ng Panginoon: aming pinuri kayo mula sa bahay ng Panginoon.
Ang Panginoon ay Dios, at binigyan niya kami ng liwanag; talian ninyo ang hain ng mga panali, sa makatuwid baga'y sa mga tila sungay ng dambana.
Ikaw ay aking Dios, at magpapasalamat ako sa iyo: ikaw ay aking Dios, aking ibubunyi ka.
Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon, sapagka't siya'y mabuti: sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
(Ang Ikasanlibo at Isandaang-siyamnapung Awit)
(1) Mapapalad ang mga sakdal sa daan, na nagsisilakad sa kautusan ng Panginoon. Mapapalad ang nagsisiyasat ng Kaniyang mga patotoo, na buong puso Siyang hinahanap—sapagkat hindi gumagawa ng kasamaan; sila'y lumalakad sa Kaniyang mga daan. Inutos Mo na ang Iyong mga utos ay ingatang masikap. O kung matatag sana ang aking mga lakad sa pag-iingat ng Iyong mga palatuntunan! Kung magkagayo'y hindi ako mapapahiya, pagka ako'y tumitingin sa lahat ng Iyong mga utos. Ako'y magpapasalamat sa Iyo ng tapat na puso, pagka natutuhan ko ang matuwid mong mga kahatulan. Ang Iyong mga palatuntunan ay aking iingatan; huwag Mo akong lubos na pabayaan. (ذكصاسي فيلا نيثروبي: Luwalhati sa Iyo, O Mapagmahal sa mga tao Doxa ci Vilan`;rwpe)
(2) Sa anong paraan lilinisin ng binata ang kaniyang daan? Sa pag-iingat ayon sa Iyong salita. Buong puso kitang hinanap; huwag Mo akong ilayo sa Iyong mga utos. Itinatago ko ang Iyong salita sa aking puso, upang huwag akong magkasala laban sa Iyo. Purihin Ka, O Panginoon; ituro Mo sa akin ang Iyong mga palatuntunan. Sa aking mga labi aking ipinahayag ang lahat ng kahatulan ng Iyong bibig. Ako'y nagalak sa daan ng Iyong mga patotoo, na parang sa lahat ng kayamanan. Aking babalik-balikan ang Iyong mga utos, at magbubulay ako sa Iyong mga daan. Sa Iyong mga palatuntunan ako'y maglalarawan, at ang Iyong salita ay hindi ko kakalimutan. (ذكصاسي فيلا نيثروبي: Luwalhati sa Iyo, O Mapagmahal sa mga tao Doxa ci Vilan`;rwpe)
(3) Gawan Mo ang Iyong lingkod ng kagandahang-loob, upang ako'y mabuhay at ingatan ang Iyong salita. Idilat Mo ang aking mga mata, upang ako'y makakita ng mga kagilagilalas na bagay mula sa Iyong kautusan. Ako'y tagaibang-bayan sa lupa; huwag Mong ikubli sa akin ang Iyong mga utos. Pinanabikan ng aking kaluluwa ang Iyong mga kahatulan sa buong panahon. Iyong sinaway ang mga palalo, na isinumpa, na dumudulas sa Iyong mga utos. Alisin Mo sa akin ang pagkaduwag at kahihiyan, sapagkat Iyong mga patotoo ang aking inasam. Nangaupo ang mga pangulo at nagsipagusap laban sa akin; ngunit ang Iyong lingkod ay nagbubulay sa Iyong mga palatuntunan. Ang Iyong mga patotoo ay aking kasayahan at tagapayo. (ذكصاسي فيلا نيثروبي: Luwalhati sa Iyo, O Mapagmahal sa mga tao Doxa ci Vilan`;rwpe)
(4) Ang aking kaluluwa'y nadidikit sa alabok; buhayin Mo ako ayon sa Iyong salita. Ipinahayag ko ang aking mga lakad, at Ikaw ay sumagot sa akin; ituro Mo sa akin ang Iyong mga palatuntunan. Palunukin Mo ako ng unawa sa daan ng Iyong mga patotoo; sa gayo'y aking bububulay ang Iyong mga kagilagilalas na gawa. Ang aking kaluluwa'y kumikirot sa kalumbayan; palakasin Mo ako ayon sa Iyong salita. Ilayo Mo sa akin ang daan ng kasinungalingan; at sa Iyong kautusan ay maawain Ka sa akin. Aking pinili ang daan ng katotohanan; ang Iyong mga kahatulan ay inilagay ko sa harap ko. Ako'y nadidikit sa Iyong mga patotoo; O Panginoon, huwag Mo akong ilagay sa kahihiyan. Aking tatakbuhin ang daan ng Iyong mga utos, pagka Iyong pinaluwag ang aking puso. (ذكصاسي فيلا نيثروبي: Luwalhati sa Iyo, O Mapagmahal sa mga tao Doxa ci Vilan`;rwpe)
(5) Turuan Mo ako, O Panginoon, ng daan ng Iyong mga palatuntunan, at aking iingatan ito hanggang sa wakas. Bigyan Mo ako ng unawa, at aking iingatan ang Iyong kautusan; oo, aking tutuparin ito nang buong puso. Papatnubayan Mo ako sa landas ng Iyong mga utos; sapagkat siyang aking kaluguran. Ikiling Mo ang aking puso sa Iyong mga patotoo, at huwag sa kasakiman. Ibalik Mo ang aking mga mata mula sa pagtingin sa walang kabuluhan, at sa Iyong mga daan ay buhayin Mo ako. Itatag Mo sa Iyong lingkod ang Iyong salita, na nauukol sa takot sa Iyo. Alisin Mo ang aking kakutyaan na aking kinatatakutan; sapagkat ang Iyong mga kahatulan ay mabuti. Narito, aking ninanasa ang Iyong mga utos; sa Iyong katuwiran ay buhayin Mo ako. (ذكصاسي فيلا نيثروبي: Luwalhati sa Iyo, O Mapagmahal sa mga tao Doxa ci Vilan`;rwpe)
(6) Dumating nawa sa akin ang Iyong mga kagandahang-loob, O Panginoon, ang Iyong kaligtasan, ayon sa Iyong salita. Sa gayo'y masagot ko ang umalipusta sa akin; sapagkat ako'y tumiwala sa Iyong salita. At huwag Mong alisin lubos sa aking bibig ang salita ng katotohanan; sapagkat ako'y umasa sa Iyong mga kahatulan. Sa ganang akin ay iingatan ko ang Iyong kautusan na palagi, magpakailanman at kailanman. At ako'y lalakad sa luwang; sapagkat aking hinanap ang Iyong mga utos. Magsasalita ako ng Iyong mga patotoo sa harap ng mga hari; at hindi ako mapapahiya. At ako'y maglalarawan sa Iyong mga utos, na aking iniibig. Itataas ko rin ang aking mga kamay sa Iyong mga utos, na aking iniibig; at aking babalik-balikan ang Iyong mga palatuntunan. (ذكصاسي فيلا نيثروبي: Luwalhati sa Iyo, O Mapagmahal sa mga tao Doxa ci Vilan`;rwpe)
(7) Alalahanin Mo ang salita sa Iyong lingkod, na kung saan Mo ako pinapaniwala. Ito ang aking kaaliwan sa aking pagdadalamhati; sapagkat ang Iyong salita ay bumuhay sa akin. Ang palalo ay lubhang nagkakalabis na ako'y hamakin; gayon ma'y hindi ako lumihis sa Iyong kautusan. Aking naalaala ang Iyong mga kahatulan mula noong una, O Panginoon, at ako'y inaliw. Ako'y dinatnan ng pangingilabot dahil sa masama na nagpapakilala ng Iyong kautusan. Ang Iyong mga palatuntunan ay naging aking mga awit sa bahay ng aking pamamalagi. Aking naalaala ang Iyong pangalan sa gabi, O Panginoon, at aking iningatan ang Iyong kautusan. Ito ang dumating sa akin; sapagkat aking iningatan ang Iyong mga palatuntunan. (ذكصاسي فيلا نيثروبي: Luwalhati sa Iyo, O Mapagmahal sa mga tao Doxa ci Vilan`;rwpe)
(8) Ikaw ang aking bahagi, O Panginoon; aking sinabi na aking iingatan ang Iyong mga salita. Ako'y dumalangin ng buong puso sa Iyo; maawa Ka sa akin ayon sa Iyong salita. Aking siniyasat ang aking mga daan, at ibinalik ko ang aking mga paa sa Iyong mga patotoo. Ako'y nagmadali, at hindi nagluwat, na tuparin ang Iyong mga utos. Ang mga panali ng masama ay umikot sa akin; gayon ma'y ang Iyong kautusan ay hindi ko kinalimutan. Sa hatinggabi ako'y bumabangon upang magpuri sa Iyo, dahil sa Iyong mga matuwid na kahatulan. Ako'y kapisan ng lahat na nangatatakot sa Iyo, at ng nagsisitupad ng Iyong mga utos. Ang lupa, O Panginoon, ay puno ng Iyong kagandahang-loob; ituro Mo sa akin ang Iyong mga palatuntunan. (ذكصاسي فيلا نيثروبي: Luwalhati sa Iyo, O Mapagmahal sa mga tao Doxa ci Vilan`;rwpe)
(9) Ikaw ay gumawa ng mabuti sa Iyong lingkod, O Panginoon, ayon sa Iyong salita. Mabuti at kaalaman at unawa ay ituro Mo sa akin; sapagkat ako'y sumampalataya sa Iyong mga utos. Bago ako napighati ay ako'y naligaw; nguni't ngayo'y iniingatan ko ang Iyong salita. Ikaw ay mabuti at gumagawa ng mabuti; ituro Mo sa akin ang Iyong mga palatuntunan. Ang palalo ay nangbintang sa akin ng kasinungalingan; nguni't akin ngang iingatan ng buong puso ang Iyong mga utos. Ang kanilang puso ay parang matabang taba; nguni't ako'y naglalarawan sa Iyong kautusan. Mabuti sa akin na ako'y napighati; upang aking matutuhan ang Iyong mga palatuntunan. Ang kautusan ng Iyong bibig ay mainam sa akin, higit kay sa libu-libong ginto at pilak. (ذكصاسي فيلا نيثروبي: Luwalhati sa Iyo, O Mapagmahal sa mga tao Doxa ci Vilan`;rwpe)
(10) Ang Iyong mga kamay ay lumikha sa akin at bumuo sa akin; bigyan Mo ako ng unawa, upang aking matutuhan ang Iyong mga utos. Yaong nangatatakot sa Iyo ay makakakita sa akin at magagalak, sapagkat ako'y umasa sa Iyong salita. Talastas ko, O Panginoon, na ang Iyong mga kahatulan ay matuwid, at sa pagtatapat ay Iyong pinarusahan ako. Magsidating nawa sa akin ang Iyong kagandahang-loob upang ako'y aliwin, ayon sa Iyong salita sa Iyong lingkod. Magsidating nawa sa akin ang Iyong malumanay na mga kaawaan upang ako'y mabuhay; sapagkat ang Iyong kautusan ay aking kaluguran. Mapahiya nawa ang palalo; sapagkat kanilang itinuro sa akin na may kabulaanan: aking bubulay-bulayin ang Iyong mga utos. Manumbalik nawa sa akin ang nangatatakot sa Iyo, at silang nangakakaalam ng Iyong mga patotoo. Maging sakdal nawa ang aking puso sa Iyong mga palatuntunan; upang huwag akong mapahiya. (ذكصاسي فيلا نيثروبي: Luwalhati sa Iyo, O Mapagmahal sa mga tao Doxa ci Vilan`;rwpe)
(11) Nangapahapo na ang aking kaluluwa sa Iyong pagliligtas; ako'y umasa sa Iyong salita. Nangapahapo ang aking mga mata dahil sa Iyong salita, na sinasabi, kailan Mo ako aaliwin? Sapagkat ako'y naging parang sisidlan sa usok; gayon ma'y ang Iyong mga palatuntunan ay hindi ko kinalimutan. Ilang panahon pa kaya sa mga kaarawan ng Iyong lingkod? kailan Mo gagawin ang kahatulan sa kanila na nagsisiusig sa akin? Ang palalo ay naghukay ng mga hukay sa harap ko; siláng hindi nauukol sa Iyong kautusan. Lahat ng Iyong mga utos ay katotohanan: sila'y nagsiusig sa akin na may kabulaanan; tulungan Mo ako. Sila'y halos tintasan ako sa lupa; nguni't hindi ko iniwan ang Iyong mga utos. Ayon sa Iyong kagandahang-loob ay buhayin Mo ako; sa gayo'y aking iingatan ang patotoo ng Iyong bibig. (ذكصاسي فيلا نيثروبي: Luwalhati sa Iyo, O Mapagmahal sa mga tao Doxa ci Vilan`;rwpe)
(12) O Panginoon, ang Iyong salita ay natatag sa langit magpakailanman. Sa sali't saling lahi ay katotohanan Mo; Iyong itinatag ang lupa, at nananatili. Ayon sa Iyong mga ayos ay nananatili nilang lahat hanggang sa araw na ito; sapagkat lahat ay Iyong mga lingkod. Kung hindi naging aking kaluguran ang Iyong kautusan, kung gayo'y ako sana'y napuksa sa aking kapighatian. Kailan ma'y hindi ko kalilimutan ang Iyong mga utos; sapagkat sa pamamagitan ng mga yaon ay binuhay Mo ako. Ako'y Iyo, iligtas Mo ako; sapagkat aking hinanap ang Iyong mga utos. Inabangan ako ng masama upang ako'y lipulin; nguni't aking ipinamana ang Iyong mga patotoo. Nakita ko ang katapusan ng lahat ng bagay na sakdal; nguni't ang Iyong utos ay totoong maluwang. (ذكصاسي فيلا نيثروبي: Luwalhati sa Iyo, O Mapagmahal sa mga tao Doxa ci Vilan`;rwpe)
(13) O gaano iniibig ko ang Iyong kautusan! siya'y aking pagninilay-nilayin buong araw. Ang Iyong mga utos ay ginawa mo ako na higit na pantas kay sa aking mga kaaway; sapagkat laging sumasaakin. Higit kay sa lahat ng aking mga guro ay nagkaroon ako ng unawa; sapagkat ang Iyong mga patotoo ay aking pinagninilayan. Higit kay sa matatanda ay nagkaroon ako ng pagkaunawa; sapagkat aking iniingatan ang Iyong mga utos. Humadlang ako sa lahat na masamang daan, upang aking tuparin ang Iyong salita. Sa Iyong mga kahatulan ay hindi ako lumihis; sapagkat itinuro Mo ako. O gaano manamis-namis ang Iyong mga salita sa aking lasa! oo, matamis kay sa pulot sa aking bibig! Sa pamamagitan ng Iyong mga utos ay nagkaroon ako ng pagkakaunawa; kaya't aking kinapopootan bawa't daan ng kasinungalingan. (Sapagkat inilagay Mo sa akin ang Iyong kautusan) (ذكصاسي فيلا نيثروبي: Luwalhati sa Iyo, O Mapagmahal sa mga tao Doxa ci Vilan`;rwpe)
(14) Ang Iyong salita ay ilawan sa aking mga paa, at liwanag sa aking landas. Ako'y sumumpa, at aking sinang-ayunan, na aking iingatan ang matuwid Mong mga kahatulan. Ako'y totoong napighati; buhayin Mo ako, O Panginoon, ayon sa Iyong salita. Tanggapin Mo, O Panginoon, ang kusang-loob kong handog sa aking bibig, at ituro Mo sa akin ang Iyong mga kahatulan. Ang aking kaluluwa ay laging nasa aking kamay; gayon ma'y ang Iyong kautusan ay hindi ko kinalimutan. Ang masama ay naglagay ng silo sa akin; gayon ma'y hindi ako lumihis sa Iyong mga utos. Ang Iyong mga patotoo ay aking minanang walang hanggan; sapagkat sila ang kagalakan ng aking puso. Aking ikiniling ang aking puso upang tuparin ang Iyong mga palatuntunan; magpakailanman, hanggang sa wakas. (dahil sa gantimpala) (ذكصاسي فيلا نيثروبي: Luwalhati sa Iyo, O Mapagmahal sa mga tao Doxa ci Vilan`;rwpe)
(15) Ang nangagbabali ng Iyong kautusan ay aking kinapopootan; nguni't ang Iyong kautusan ay aking iniibig. Ikaw ang aking kanlungan at aking kalasag; ako'y umasa sa Iyong salita. Magsilayo kayo sa akin, kayong mga manggagawa ng kasamaan; at aking hahanapin ang mga utos ng aking Diyos. Alalayan Mo ako ayon sa Iyong salita, upang ako'y mabuhay; at huwag Mo akong ilagay sa kahihiyan sa aking pagasa. Alalayan Mo ako, at ako'y maliligtas; at laging mamasdan ko ang Iyong mga palatuntunan. Iyong tiningnan na walang kabuluhan ang lahat na dumidulas sa Iyong mga palatuntunan; sapagkat ang kanilang pagdaraya ay kasinungalingan. Iyong inalis na parang dumi ang lahat na masama sa lupa; kaya't iniibig ko ang Iyong mga patotoo. Ang Iyong pangingilabot ay sumasaakin; sapagkat ako'y natatakot sa Iyong mga kahatulan. (ذكصاسي فيلا نيثروبي: Luwalhati sa Iyo, O Mapagmahal sa mga tao Doxa ci Vilan`;rwpe)
(16) Aking ginawa ang kahatulan at katuwiran: huwag Mo akong ibigay sa mga nagsisiapi sa akin. Maging tagapanagot ka para sa Iyong lingkod sa mabuti; huwag nawang papaghariin sa akin ang mga palalo. Nangapahapo na ang aking mga mata sa Iyong pagliligtas, at sa salita ng Iyong katuwiran. Gawan Mo ang Iyong lingkod ayon sa Iyong kagandahang-loob, at ituro Mo sa akin ang Iyong mga palatuntunan. Ako'y Iyong lingkod; bigyan Mo ako ng unawa, upang aking maalaman ang Iyong mga patotoo. Panahon na upang gumawa ang Panginoon; sapagkat kanilang sinira ang Iyong kautusan. Kaya't aking iniibig ang Iyong mga utos na higit kay sa ginto, oo, kay sa totoong dalisay na ginto. Kaya't aking iniingatan ang lahat ng Iyong mga tuntunin tungkol sa lahat na mga bagay na matuwid; at kinapopootan ko ang bawa't daan ng kasinungalingan. (ذكصاسي فيلا نيثروبي: Luwalhati sa Iyo, O Mapagmahal sa mga tao Doxa ci Vilan`;rwpe)
(17) Kamangha-mangha ang Iyong mga patotoo; kaya't iniingatan ng aking kaluluwa. Ang pagbubukas ng Iyong mga salita ay nagbibigay ng liwanag; nagbibigay ng unawa sa musmos. Ako'y ibinuka ko ang aking bibig, at huminga; sapagkat aking ninanasa ang Iyong mga utos. Tumingin Ka sa akin, at maawa Ka sa akin, gaya ng pagkakaugali Mo sa nagmamahal sa Iyong pangalan. Itatag Mo ang aking mga paglakad sa Iyong salita; at huwag Mo papaghariin sa akin ang anomang kasamaan. Iligtas Mo ako sa pang-aapi ng tao; sa gayo'y aking iingatan ang Iyong mga utos. Ipaningning Mo ang Iyong mukha sa Iyong lingkod; at ituro Mo sa akin ang Iyong mga palatuntunan. Ang aking mga mata ay nagpapatulo ng mga ilog ng tubig, sapagkat hindi nila iniingatan ang Iyong kautusan. (ذكصاسي فيلا نيثروبي: Luwalhati sa Iyo, O Mapagmahal sa mga tao Doxa ci Vilan`;rwpe)
(18) Matuwid Ka, O Panginoon, at matuwid ang mga kahatulan Mo. Iyong iniutos ang Iyong mga patotoo sa katuwiran at lubos na katotohanan. Ang aking sikap ay kumain sa akin, sapagkat kinalimutan ng aking mga kaaway ang Iyong mga salita. Ang Iyong salita ay totoong dalisay; kaya't iniibig Ka ng Iyong lingkod. Ako'y maliit at hinamak; gayon ma'y ang Iyong mga tuntunin ay hindi ko kinalimutan. Ang Iyong katuwiran ay walang hanggang katuwiran, at ang Iyong kautusan ay katotohanan. Kahirapan at pagdadalamhati ay sumapit sa akin; nguni't ang Iyong mga utos ay aking kaluguran. Ang Iyong mga patotoo ay matuwid magpakailanman; bigyan Mo ako ng unawa, at mabubuhay ako. (ذكصاسي فيلا نيثروبي: Luwalhati sa Iyo, O Mapagmahal sa mga tao Doxa ci Vilan`;rwpe)
(19) Ako'y sumisigaw ng buong puso; sagutin Mo ako, O Panginoon: aking iingatan ang Iyong mga palatuntunan. Ako'y sumisigaw sa Iyo; iligtas Mo ako, at aking iingatan ang Iyong mga patotoo. Ako'y nauna sa pagsisilang-araw, at dumalangin; ako'y umasa sa Iyong mga salita. Ang aking mga mata ay nagsisiyagang- yagan sa gilid ng gabi, upang ako'y makapagnilay sa Iyong salita. Dinggin Mo ang aking tinig ayon sa Iyong kagandahang-loob; O Panginoon, buhayin Mo ako ayon sa Iyong kahatulan. Malapit na ang nagsisihabol sa kasamaan; sila'y malayo sa Iyong kautusan. Malapit Ka, O Panginoon; at lahat ng Iyong mga utos ay katotohanan. Matagal ko nang nalalaman ang tungkol sa Iyong mga patotoo, na Iyong itinatag magpakailanman. (ذكصاسي فيلا نيثروبي: Luwalhati sa Iyo, O Mapagmahal sa mga tao Doxa ci Vilan`;rwpe)
(20) Masdan Mo ang aking kapighatian, at iligtas Mo ako; sapagkat hindi ko kinalimutan ang Iyong kautusan. Ipaglaban Mo ang aking usap, at iligtas Mo ako; buhayin Mo ako ayon sa Iyong salita. Ang kaligtasan ay malayo sa masasama; sapagkat hindi nila hinahanap ang Iyong mga palatuntunan. Marami ang Iyong mga malumanay na kaawaan, O Panginoon; buhayin Mo ako ayon sa Iyong mga kahatulan. Marami ang mga nagsisihabol at nagsisihirang sa akin; gayon ma'y sa Iyong mga patotoo ay hindi ako lumilihis. Aking nakita ang mga taksil, at ako'y nagdalamhati; sapagkat hindi nila iningatan ang Iyong salita. Masdan Mo na iniibig ko ang Iyong mga utos; buhayin Mo ako, O Panginoon, ayon sa Iyong kagandahang-loob. Ang kabuoan ng Iyong salita ay katotohanan; at bawa't isa sa Iyong matuwid na kahatulan ay tumatagal magpakailanman. (ذكصاسي فيلا نيثروبي: Luwalhati sa Iyo, O Mapagmahal sa mga tao Doxa ci Vilan`;rwpe)
(21) Inusig ako ng mga pangulo na walang kadahilanan; nguni't ang aking puso ay natatakot sa Iyong salita. Ako'y nagagalak sa Iyong salita, na parang nakakasumpong ng malaking samsam. Aking kinapopootan at kinayayamutan ang kasinungalingan; nguni't iniibig ko ang Iyong kautusan. Makapito sa isang araw na pumupuri ako sa Iyo, dahil sa Iyong mga matuwid na kahatulan. Ang malaking kapayapaan ay kanila na nagsisiibig ng Iyong kautusan; at sila'y walang katitisuran. Ako'y umasa sa Iyong pagliligtas, O Panginoon, at ginawa ko ang Iyong mga utos. Iningatan ng aking kaluluwa ang Iyong mga patotoo; at iniibig ko sila ng lubha. Iningatan ko ang Iyong mga utos at ang Iyong mga patotoo; sapagkat lahat ng aking mga lakad ay nasa harap Mo, O Panginoon. (ذكصاسي فيلا نيثروبي: Luwalhati sa Iyo, O Mapagmahal sa mga tao Doxa ci Vilan`;rwpe)
(22) Lumapit nawa ang aking pagsusumamo sa Iyong harapan, O Panginoon; bigyan Mo ako ng unawa ayon sa Iyong salita. Pumasok nawa ang aking pamanhik sa Iyong harapan; buhayin Mo ako ayon sa Iyong salita. Ang aking mga labi ay magbubulalas ng kapurihan, pagka tinuruan Mo ako ng Iyong mga palatuntunan. Ang aking dila ay magsasalita ng Iyong salita; sapagkat lahat ng Iyong mga utos ay katuwiran. Maging handa ang Iyong kamay upang ako'y iligtas; sapagkat pinili ko ang Iyong mga utos. Aking pinanabikan ang Iyong pagliligtas, O Panginoon; at ang Iyong kautusan ay aking kaluguran. Mabuhay ang aking kaluluwa, at pupurihin Ka; at tutulungan ako ng Iyong mga kahatulan. Ako'y naligaw na parang tupang nawawala; hanapin Mo ang Iyong lingkod; sapagkat ang Iyong mga utos ay hindi ko kinalimutan. Aleluya.
(Ebanghelyo ayon kay Mateo 25:1-13) Kung magkagayo'y makakawangis ang kaharian ng langit sa sampung dalaga, na nagsikuha ng kanilang mga ilawan, at nagsilabas na sinalubong ang kasintahang lalake. At ang lima sa kanila'y mga mangmang, at ang lima'y matatalino. Sapagkat nang kunin ng mga mangmang ang kanilang mga ilawan, ay hindi sila nangagdala ng langis: datapuwa't ang matatalino ay nangagdala ng langis sa kanilang sisidlan pati ng kanilang mga ilawan. Nang magluwat nga ang kasintahang lalake, sila'y nangakatulog na pawang nangag-antok. Datapuwa't pagkahatinggabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya. Nang magkagayo'y nagsibangon ang lahat ng dalagang yaon, at pinag-ayos ang kanilang mga ilawan. At sinabi ng mga mangmang sa matatalino, Ibigay ninyo sa amin ang inyong langis; sapagkat ang aming mga ilawan ay namamatay. Datapuwa't nagsisagot ang matatalino, Marahil ay hindi magkasiya sa amin at sa inyo: kaya't magsiparoon kayo sa mga nagbibili, at magsibili kayo sa inyong sarili. At samantalang sila'y nagsisiparoon upang magsibili, dumating ang kasintahang lalake; at ang mga nahahanda ay nagsipasok na kasama niya sa piging ng kasalan: at inilapat ang pintuan. Pagkatapos ay nagsirating naman ang ibang mga dalaga, na nagsisipagsabi, Panginoon, Panginoon, buksan mo kami. Datapuwa't siya'y sumagot at sinabi, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi ko kayo nangakikilala. Mangagpuyat nga kayo, sapagkat hindi ninyo nalalaman ang araw o ang oras (At sa Diyos ang laging kaluwalhatian).
Ang Bahagi
Narito, ang Kasintahang-Lalake ay dumarating sa hatinggabi; mapalad ang aliping masusumpungang gising. Nguni't ang masusumpungang pabaya ay hindi marapat na sumama sa Kaniya. Kaya't masdan mo, O aking kaluluwa, baka ikaw ay mabigatan ng antok at maihagis sa labas ng kaharian. Kundi magpuyat ka at sumigaw na sinasabi: Banal, Banal, Banal Ka, O Diyos; alang-alang sa Ina ng Diyos, maawa Ka sa amin. (ذوكصابتري كيه إيو كي آجيو ابنيفماتي Δόξα Πατρί καὶ Υἱῷ καὶ Ἁγίῳ Πνεύματι - Luwalhati sa Ama at sa Anak at sa Espiritu Santo).
Unawain mo, O aking kaluluwa, ang kakilakilabot na araw na iyon at magising ka, at pagningasin mo ang iyong ilawan sa langis ng kagalakan; sapagkat hindi mo nalalaman kung kailan darating sa iyo ang tinig na nagsasabi: Narito, ang Kasintahang-Lalake ay dumarating. Kaya't tingnan mo, O aking kaluluwa, na huwag kang antukin, baka tumayo ka sa labas na kumakatok gaya ng limang mangmang na dalaga. Kundi magpuyat ka na may pagsusumamo upang salubungin mo ang Panginoong Kristo na may masaganang langis, at pagkalooban ka ng tunay na banal na kaluwalhatian ng Kaniyang kasalan. (كي نين، كي آ إي، كي ايستوس إي أوناس تون إي أونون آمين Καὶ νῦν καὶ ἀεὶ καὶ εἰς τοὺς αἰῶνας τῶν αἰώνων. Ἀμήν - ngayon at kailanman at hanggang sa mga kapanahunan ng mga kapanahunan. Amen).
Ikaw ang pader ng aming kaligtasan, O Ina ng Diyos, Birheng di-masugatan, hindi nabubuwal; ipawalang-bisa mo ang payo ng mga kaaway, at ang dalamhati ng Iyong mga lingkod ay baguhin mo sa kagalakan; patibayin mo ang aming lungsod (aming monasteryo), at ipagtanggol mo ang aming mga hari (aming mga pinuno), at ipinamamagitan mo ang kapayapaan ng sanlibutan; sapagkat Ikaw ang aming pag-asa, O Ina ng Diyos. (كي نين، كي آ إي، كي ايستوس إي أوناس تون إي أونون آمين Καὶ νῦν καὶ ἀεὶ καὶ εἰς τοὺς αἰῶνας τῶν αἰώνων. Ἀμήν - ngayon at kailanman at hanggang sa mga kapanahunan ng mga kapanahunan. Amen).
O Hari na nasa langit, Mangaaliw, Espiritu ng Katotohanan, na nasa lahat ng dako at pumupuno sa lahat, Yaman ng mga kabutihan at Tagapagbigay-buhay, pumarito Ka at manahan Ka sa amin, at linisin Mo kami sa bawa't dumi, O Mabuti, at iligtas Mo ang aming mga kaluluwa. (ذوكصابتري كيه إيو كي آجيو ابنيفماتي Δόξα Πατρί καὶ Υἱῷ καὶ Ἁγίῳ Πνεύματι - Luwalhati sa Ama at sa Anak at sa Espiritu Santo).
Gaya ng Iyong pakikisama sa Iyong mga alagad, O Tagapagligtas, at ibinigay Mo sa kanila ang kapayapaan, pumarito Ka rin at sumaatin at igawad Mo sa amin ang Iyong kapayapaan, at iligtas Mo at tubusin ang aming mga kaluluwa. (كي نين، كي آ إي، كي ايستوس إي أوناس تون إي أونون آمين Καὶ νῦν καὶ ἀεὶ καὶ εἰς τοὺς αἰῶνας τῶν αἰώνων. Ἀμήν - ngayon at kailanman at hanggang sa mga kapanahunan ng mga kapanahunan. Amen).
Kapag kami'y tumatayo sa Iyong banal na templo, inaaring tulad ng pagtayo sa langit. O Ina ng Diyos, Ikaw ang pintuan ng langit; buksan Mo para sa amin ang pintuan ng awa.
Κύριε ἐλέησον Kyrie eleison (Panginoon, maawa Ka) 41 na beses
Banal, Banal, Banal
Banal, Banal, Banal, Panginoon ng mga Hukbo. Ang langit at ang lupa ay puspos ng Iyong kaluwalhatian at karangalan. Kaawaan Mo kami, O Diyos Ama, ang Makapangyarihan sa lahat. O Banal na Santatlo, maawa Ka sa amin. O Panginoon, Diyos ng mga Hukbo, pumarito Ka at sumaatin, sapagkat wala kaming ibang katulong sa aming mga kapighatian at kapigatian kundi Ikaw.
Lusawin, patawarin, at ipagpatawad Mo sa amin, O Diyos, ang aming mga kasamaan—ang mga nagawa namin na may kagustuhan at ang mga nagawa namin na walang kagustuhan; ang nagawa namin na may kaalaman at ang nagawa namin na walang kaalaman; ang mga lihim at ang mga hayag. Panginoon, patawarin Mo ang mga ito para sa amin alang-alang sa Iyong banal na Pangalan na itinawag sa amin. Ayon sa Iyong awa, Panginoon, at hindi ayon sa aming mga kasalanan.
At gawin Mo kaming karapat-dapat na sabihin nang may pasasalamat: Ama Namin, sumasalangit Ka..
Ang Ikalawang Pagbabantay
AWIT 118 (VIII)
Mapalad silang sakdal sa lakad, na nagsisilakad sa kautusan ng Panginoon.
Mapalad silang nangagiingat ng kaniyang mga patotoo, na nagsisihanap sa kaniya ng buong puso.
Oo, silang hindi nagsisigawa ng kalikuan; sila'y nagsisilakad sa kaniyang mga daan.
Iyong iniutos sa amin ang mga tuntunin mo, upang aming sunding masikap.
Oh matatag nawa ang aking mga daan, upang sundin ang mga palatuntunan mo!
Hindi nga ako mapapahiya, pagka ako'y nagkaroon ng galang sa inyong lahat na mga utos.
Ako'y magpapasalamat sa iyo sa pamamagitan ng katuwiran ng puso, pagka aking natutuhan ang mga matuwid mong kahatulan.
Aking tutuparin ang mga palatuntunan mo: Oh huwag mo akong pabayaang lubos.
Sa paano lilinisin ng isang binata ang kaniyang daan? Sa pagdinig doon ayon sa iyong salita.
Hinanap kita ng aking buong puso: Oh huwag nawa akong malihis sa iyong mga utos.
Ang salita mo'y aking iningatan sa aking puso: upang huwag akong magkasala laban sa iyo.
Mapalad ka, Oh Panginoon: ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.
Aking ipinahayag ng aking mga labi ang lahat ng mga kahatulan ng iyong bibig.
Ako'y nagalak sa daan ng iyong mga patotoo, na gaya ng lahat na kayamanan.
Ako'y magbubulay sa iyong mga tuntunin, at gagalang sa iyong mga daan.
Ako'y magaaliw sa iyong mga palatuntunan: hindi ko kalilimutan ang iyong salita.
Gawan ng mabuti ang iyong lingkod, upang ako'y mabuhay; sa gayo'y aking susundin ang iyong salita.
Idilat mo ang aking mga mata, upang ako'y makakita ng kagilagilalas na mga bagay sa iyong kautusan.
Ako'y nakikipamayan sa lupa: huwag mong ikubli ang mga utos mo sa akin.
Ang puso ko'y nadudurog sa pananabik na tinatamo sa iyong mga kahatulan sa lahat ng panahon.
Iyong sinaway ang mga palalong sinumpa, na nagsisihiwalay sa iyong mga utos.
Alisin mo sa akin ang kadustaan at kakutyaan; sapagka't iningatan ko ang iyong mga patotoo.
Mga pangulo naman ay nagsiupo, at naguusap ng laban sa akin; nguni't ang lingkod mo'y nagbulay sa iyong mga palatuntunan.
Ang mga patotoo mo naman ay aking mga kaluguran at aking mga tagapayo.
Ang kaluluwa ko'y dumidikit sa alabok: buhayin mo ako ayon sa iyong salita.
Aking ipinahayag ang mga lakad ko, at ikaw ay sumagot sa akin: ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.
Ipaunawa mo sa akin ang daan ng iyong mga tuntunin: sa gayo'y aking bubulayin ang iyong kagilagilalas na mga gawa.
Ang kaluluwa ko'y natutunaw sa kabigatan ng loob: iyong palakasin ako ayon sa iyong salita.
Ilayo mo sa akin ang daan ng kasinungalingan: at ipagkaloob mo sa aking may pagbibiyaya ang iyong kautusan.
Aking pinili ang daan ng pagtatapat: ang mga kahatulan mo'y inilagay ko sa harap ko.
Ako'y kumapit sa iyong mga patotoo: Oh Panginoon, huwag mo akong ilagay sa kahihiyan.
Aking tatakbuhan ang daan ng iyong mga utos, pagka iyong pinalaki ang aking puso.
Ituro mo sa akin, Oh Panginoon, ang daan ng iyong mga palatuntunan; at aking iingatan hanggang sa wakas.
Bigyan mo ako ng pagkaunawa at aking iingatan ang iyong kautusan; Oo, aking susundin ng aking buong puso.
Payaunin mo ako sa landas ng iyong mga utos; sapagka't siya kong kinaaliwan.
Ikiling mo ang aking puso sa iyong mga patotoo, at huwag sa kasakiman.
Alisin mo ang aking mga mata sa pagtingin ng walang kabuluhan. At buhayin mo ako sa iyong mga daan.
Papagtibayin mo ang iyong salita sa iyong lingkod, na ukol sa takot sa iyo.
Alisin mo ang aking kadustaan na aking kinatatakutan: sapagka't ang mga kahatulan mo'y mabuti.
Narito, ako'y nanabik sa iyong mga tuntunin; buhayin mo ako sa iyong katuwiran.
Padatingin mo rin sa akin ang iyong mga kagandahang-loob, Oh Panginoon, sa makatuwid baga'y ang iyong kaligtasan, ayon sa iyong salita.
Sa gayo'y magkakaroon ako ng kasagutan sa kaniya na dumuduwahagi sa akin; sapagka't ako'y tumitiwala sa iyong salita.
At huwag mong lubos na kunin ang salita ng katotohanan sa aking bibig; sapagka't ako'y umasa sa iyong mga kahatulan.
Gayon ko susundin ang iyong kautusan na palagi magpakailan-kailan pa man.
At lalakad ako sa kalayaan; sapagka't aking hinanap ang iyong mga tuntunin.
Ako nama'y magsasalita ng iyong mga patotoo sa harap ng mga hari, at hindi ako mapapahiya.
At ako'y maaaliw sa iyong mga utos, na aking iniibig.
Akin namang itataas ang aking mga kamay sa iyong mga utos, na aking inibig; at ako'y magbubulay sa iyong mga palatuntunan.
Iyong alalahanin ang salita sa iyong lingkod, na doo'y iyong pinaasa ako.
Ito'y aking kaaliwan sa aking pagkapighati: sapagka't binuhay ako ng iyong salita.
Ang palalo ay dumuwahaging mainam sa akin: gayon ma'y hindi ako hihiwalay sa iyong kautusan.
Aking inalaala ang mga kahatulan mo ng una, Oh Panginoon, at ako'y nagaliw sa sarili.
Maalab na galit ang humawak sa akin, dahil sa masama na nagpabaya ng iyong kautusan.
Ang iyong mga palatuntunan ay naging aking mga awit sa bahay ng aking pangingibang bayan.
Aking inalaala sa gabi ang pangalan mo, Oh Panginoon, at sinunod ko ang iyong kautusan.
Ito ang tinamo ko, sapagka't aking iningatan ang mga tuntunin mo.
Ang Panginoon ay aking bahagi: aking sinabi na aking tutuparin ang iyong mga salita.
Aking hiniling ang iyong biyaya ng aking buong puso: magmahabagin ka sa akin ayon sa iyong salita.
Ako'y nagiisip sa aking mga lakad, at ibinalik ko ang aking mga paa sa iyong mga patotoo.
Ako'y nagmadali, at hindi ako nagmakupad, na sundin ang iyong mga utos.
Pinuluputan ako ng mga panali ng masama; nguni't hindi ko nilimot ang iyong kautusan.
Sa hating gabi ay babangon ako upang magpasalamat sa iyo, dahil sa iyong mga matuwid na kahatulan.
Ako'y kasama ng lahat na nangatatakot sa iyo, at ng nagsisitupad ng iyong mga tuntunin.
Ang lupa, Oh Panginoon, ay puno ng iyong kagandahang-loob: ituro mo sa akin ang iyong mga palatuntunan.
Ginawan mo ng mabuti ang iyong lingkod, Oh Panginoon, ayon sa iyong salita.
Turuan mo ako ng mabuting kahatulan at kaalaman; sapagka't ako'y sumampalataya sa iyong mga utos.
Bago ako nagdalamhati ay naligaw ako; nguni't ngayo'y tinutupad ko ang iyong salita.
Ikaw ay mabuti, at gumagawa ng mabuti; ituro mo sa akin ang iyong mga palatuntunan.
Ang palalo ay kumatha ng kabulaanan laban sa akin: aking tutuparin ang iyong mga tuntunin ng buong puso ko.
Ang puso nila ay matabang gaya ng sebo; nguni't ako'y naaaliw sa iyong kautusan.
Mabuti sa akin na ako'y napighati; upang aking matutuhan ang mga palatuntunan mo.
Ang kautusan ng iyong bibig ay lalong mabuti sa akin kay sa libong ginto at pilak.
Ginawa ako at inanyuan ako ng iyong mga kamay: bigyan mo ako ng unawa, upang matutuhan ko ang iyong mga utos.
Silang nangatatakot sa iyo ay makikita ako, at matutuwa; sapagka't ako'y umasa sa iyong salita;
Talastas ko, Oh Panginoon na ang mga kahatulan mo ay matuwid, at sa pagtatapat, iyo akong dinalamhati.
Isinasamo ko sa iyo na maging kaaliwan ko ang iyong kagandahang-loob, ayon sa iyong salita sa iyong lingkod.
Dumating nawa sa akin ang iyong malumanay na kaawaan upang ako'y mabuhay: sapagka't ang kautusan mo'y aking kaaliwan.
Mahiya ang palalo; sapagka't dinaig nila ako ng walang kadahilanan: nguni't ako'y magbubulay sa iyong mga tuntunin.
Bumalik nawa sa akin yaong nangatatakot sa iyo, at silang nangakakakilala ng iyong mga patotoo.
Maging sakdal nawa ang aking puso sa iyong mga palatuntunan; upang huwag akong mapahiya.
Pinanglulupaypayan ng aking kaluluwa ang iyong pagliligtas: nguni't umaasa ako sa iyong salita.
Pinangangalumatahan ng aking mga mata ang iyong salita, samantalang aking sinasabi, Kailan mo ako aaliwin?
Sapagka't ako'y naging parang balat na lalagyan ng alak sa usok; gayon ma'y hindi ko kinalilimutan ang iyong mga palatuntunan.
Gaano karami ang mga kaarawan ng iyong lingkod? Kailan ka gagawa ng kahatulan sa kanila na nagsisiusig sa akin?
Inihukay ako ng palalo ng mga lungaw na hindi mga ayon sa iyong kautusan.
Lahat mong mga utos ay tapat. Kanilang inuusig ako na may kamalian; tulungan mo ako.
Kanilang tinunaw ako halos sa ibabaw ng lupa; nguni't hindi ko pinabayaan ang mga tuntunin mo.
Buhayin mo ako ayon sa iyong kagandahang-loob; sa gayo'y aking iingatan ang patotoo ng iyong bibig.
Magpakailan man, Oh Panginoon, ang iyong salita ay natatag sa langit.
Ang iyong pagtatapat ay sa lahat ng sali't saling lahi: iyong itinatag ang lupa, at lumalagi.
Namamalagi sa araw na ito ayon sa iyong mga alituntunin; sapagka't lahat ng bagay ay mga lingkod mo.
Kundi ang kautusan mo'y naging aking kaaliwan, namatay nga sana ako sa aking kadalamhatian.
Hindi ko kalilimutan kailan man ang mga tuntunin mo; sapagka't sa pamamagitan ng mga yaon ay binuhay mo ako.
Ako'y iyo, iligtas mo ako, sapagka't aking hinanap ang mga tuntunin mo,
Inabatan ako ng masama upang ako'y patayin; nguni't aking gugunitain ang iyong mga patotoo.
Aking nakita ang wakas ng buong kasakdalan; nguni't ang utos mo'y totoong malawak.
Oh gaanong iniibig ko ang iyong kautusan! Siya kong gunita buong araw.
Pinarunong ako kay sa aking mga kaaway ng iyong mga utos; sapagka't mga laging sumasa akin.
Ako'y may higit na unawa kay sa lahat ng tagapagturo sa akin; sapagka't ang iyong mga patotoo ay gunita ko.
Ako'y nakakaunawa na higit kay sa may katandaan, sapagka't aking iningatan ang mga tuntunin mo.
Aking pinigil ang mga paa ko sa lahat ng masamang lakad, upang aking masunod ang salita mo.
Ako'y hindi lumihis sa iyong mga kahatulan; sapagka't iyong tinuruan ako.
Pagkatamis ng iyong mga salita sa aking lasa! Oo, matamis kay sa pulot sa aking bibig!
Sa iyong mga tuntunin ay nagkakamit ako ng unawa: kaya't aking ipinagtatanim ang bawa't lakad na sinungaling.
Ang salita mo'y ilawan sa aking mga paa, at liwanag sa aking landas.
Ako'y sumumpa, at pinagtibay ko, na aking tutuparin ang mga matuwid mong kahatulan.
Ako'y nagdadalamhating mainam: buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong salita.
Tanggapin mo, isinasamo ko sa iyo, ang mga kusang handog ng aking bibig, Oh Panginoon, at ituro mo sa akin ang mga kahatulan mo.
Ang kaluluwa ko'y laging nasa aking kamay; gayon ma'y hindi ko kinalilimutan ang kautusan mo.
Ipinaglagay ako ng silo ng masama; gayon ma'y hindi ako lumihis sa iyong mga tuntunin.
Ang mga patotoo mo'y inari kong pinakamana magpakailanman; sapagka't sila ang kagalakan ng aking puso.
Ikiniling ko ang puso ko na ganapin ang mga palatuntunan mo, magpakailan man, sa makatuwid baga'y hanggang sa wakas.
Ipinagtatanim ko sila na may salawahang pagiisip; nguni't ang iyong kautusan ay iniibig ko.
Ikaw ang kublihan kong dako at kalasag ko: ako'y umaasa sa iyong salita.
Magsihiwalay kayo sa akin, kayong mga manggagawa ng kasamaan; upang aking maingatan ang mga utos ng aking Dios.
Alalayan mo ako ayon sa iyong salita, upang ako'y mabuhay; at huwag mo akong hiyain sa aking pagasa.
Alalayan mo ako, at ako'y maliligtas, at magkakaroon ako ng laging pitagan sa iyong mga palatuntunan.
Inilagay mo sa wala silang lahat na naliligaw sa iyong mga palatuntunan; sapagka't ang kanilang pagdaraya ay kasinungalingan.
Inaalis mo ang lahat ng masama sa lupa na gaya ng taing bakal; kaya't iniibig ko ang mga patotoo mo.
Ang laman ko'y nanginginig dahil sa takot sa iyo; at ako'y takot sa iyong mga kahatulan.
Ako'y gumawa ng kahatulan at kaganapan: huwag mo akong iwan sa mga mangaapi sa akin.
Maging tagapatnugot ka ng iyong lingkod sa ikabubuti: huwag mong ipapighati ako sa palalo.
Pinangangalumatahan ng aking mga mata ang iyong pagliligtas, at ang iyong matuwid na salita.
Gawan mo ang lingkod mo ng ayon sa iyong kagandahang-loob, at ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.
Ako'y lingkod mo; bigyan mo ako ng unawa; upang aking maalaman ang mga patotoo mo,
Kapanahunan sa Panginoon na gumawa; sapagka't kanilang niwalang kabuluhan ang kautusan mo.
Kaya't aking iniibig ang mga utos mo ng higit sa ginto, oo, higit sa dalisay na ginto.
Kaya't aking pinahahalagahan na matuwid ang lahat mong mga tuntunin tungkol sa lahat ng mga bagay; at ipinagtatanim ko ang bawa't sinungaling na lakad.
Ang mga patotoo mo'y kagilagilalas; kayat sila'y iniingatan ng aking kaluluwa.
Ang bukas ng iyong mga salita ay nagbibigay ng liwanag; nagbibigay ng unawa sa walang muwang.
Aking binuka ng maluwang ang bibig ko, at ako'y nagbuntong-hininga; sapagka't aking pinanabikan ang mga utos mo.
Manumbalik ka sa akin, at maawa ka sa akin, gaya ng iyong kinauugaliang gawin sa nagsisiibig ng iyong pangalan.
Itatag mo ang mga hakbang ko sa iyong salita; at huwag magkaroon ng kapangyarihan sa akin ang anomang kasamaan.
Tubusin mo ako sa pagpighati ng tao: sa gayo'y aking tutuparin ang mga tuntunin mo.
Pasilangin mo ang mukha mo sa iyong lingkod; at ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.
Ang mga mata ko'y nagsisiagos ng mga ilog ng tubig; sapagka't hindi nila tinutupad ang kautusan mo.
Matuwid ka, Oh Panginoon, at matuwid ang mga kahatulan mo.
Iniutos mo ang mga patotoo mo sa katuwiran at totoong may pagtatapat.
Tinunaw ako ng aking sikap, sapagka't kinalimutan ng aking mga kaaway ang mga salita mo.
Ang salita mo'y totoong malinis; kaya't iniibig ito ng iyong lingkod.
Ako'y maliit at hinahamak: gayon ma'y hindi ko kinalilimutan ang mga tuntunin mo.
Ang katuwiran mo ay walang hanggang katuwiran, at ang kautusan mo'y katotohanan.
Kabagabagan at kahirapan ay humawak sa akin: gayon ma'y ang mga utos mo'y aking kaaliwan.
Ang mga patotoo mo'y matuwid magpakailan man: bigyan mo ako ng unawa at mabubuhay ako.
Ako'y tumawag ng aking buong puso; sagutin mo ako, Oh Panginoon: iingatan ko ang iyong mga palatuntunan.
Ako'y tumawag sa iyo; iligtas mo ako, at aking tutuparin ang mga patotoo mo.
Ako'y nagpauna sa bukang-liwayway ng umaga, at dumaing ako: ako'y umasa sa iyong mga salita.
Ang mga mata ko'y nanguna sa mga pagpupuyat sa gabi, upang aking magunita ang salita mo.
Dinggin mo ang tinig ko ayon sa iyong kagandahang-loob: buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong mga kahatulan.
Silang nagsisisunod sa kasamaan ay nagsisilapit; sila'y malayo sa iyong kautusan.
Ikaw ay malapit, Oh Panginoon; at lahat mong utos ay katotohanan.
Nang una'y nakaunawa ako sa iyong mga patotoo, na iyong pinamalagi magpakailan man.
Pakundanganan mo ang aking kadalamhatian at iligtas mo ako; sapagka't hindi ko kinalilimutan ang iyong kautusan.
Ipaglaban mo ang aking usap, at iligtas mo ako: buhayin mo ako ayon sa iyong salita.
Kaligtasan ay malayo sa masama; sapagka't hindi nila hinahanap ang mga palatuntunan mo.
Dakila ang mga malumanay mong kaawaan, Oh Panginoon: buhayin mo ako ayon sa iyong mga kahatulan.
Marami ang mga manguusig sa akin at mga kaaway ko; gayon ma'y hindi ako humiwalay sa iyong mga patotoo.
Aking namasdan ang mga magdarayang manggagawa at ako'y namanglaw; sapagka't hindi nila sinusunod ang salita mo.
Dilidilihin mo kung gaano iniibig ko ang mga utos mo: buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong kagandahang-loob.
Ang kabuoan ng iyong salita ay katotohanan; at bawa't isa ng iyong matutuwid na kahatulan ay magpakailan man.
Inusig ako ng mga pangulo ng walang kadahilanan; nguni't ang puso ko'y nanginginig sa iyong mga salita.
Ako'y nagagalak sa iyong salita, na parang nakakasumpong ng malaking samsam.
Aking pinagtataniman at kinasusuklaman ang pagsisinungaling; nguni't ang kautusan mo'y aking iniibig.
Makapito sa isang araw na pumupuri ako sa iyo, dahil sa iyong matutuwid na kahatulan.
Dakilang kapayapaan ang tinatamo nila na nagsisiibig ng iyong kautusan. At sila'y walang kadahilanang ikatitisod.
Ako'y umasa sa iyong pagliligtas, Oh Panginoon. At ginawa ko ang mga utos mo.
Sinunod ng aking kaluluwa ang mga patotoo mo; at iniibig kong mainam,
Aking tinupad ang iyong mga tuntunin at ang iyong mga patotoo; sapagka't lahat ng aking lakad ay nasa harap mo.
Dumating nawa sa harap mo ang aking daing, Oh Panginoon: bigyan mo ako ng unawa ayon sa iyong salita.
Dumating nawa sa harap mo ang aking pamanhik: iligtas mo ako ayon sa iyong salita.
Tulutang magbadya ng pagpuri ang aking mga labi; sapagka't itinuturo mo sa akin ang iyong mga palatuntunan.
Awitin ng aking dila ang iyong salita; sapagka't lahat ng mga utos mo ay katuwiran.
Magsihanda nawa ang iyong kamay na tulungan ako; sapagka't aking pinili ang iyong mga tuntunin.
Aking pinanabikan ang iyong pagliligtas, Oh Panginoon: at ang iyong kautusan ay aking kaaliwan.
Mabuhay nawa ang aking kaluluwa, at pupuri sa iyo; at tulungan nawa ako ng iyong mga kahatulan.
Ako'y naligaw na parang tupang nawala; hanapin mo ang iyong lingkod; sapagka't hindi ko kinalilimutan ang iyong mga utos.
AWIT 118 (IX)
Sa aking kahirapan ay dumaing ako sa Panginoon, at sinagot niya ako.
Iligtas mo ang aking kaluluwa, Oh Panginoon, sa mga sinungaling na labi, at mula sa magdarayang dila.
Anong maibibigay sa iyo, at anong magagawa pa sa iyo, ikaw na magdarayang dila?
Mga hasang pana ng makapangyarihan, at mga baga ng enebro.
Sa aba ko, na nakikipamayan sa Mesech, na tumatahan ako sa mga tolda sa Kedar!
Malaon ng tinatahanan ng aking kaluluwa na kasama niyang nagtatanim sa kapayapaan.
Ako'y sa kapayapaan: nguni't pagka ako'y nagsasalita, sila'y sa pakikidigma.
AWIT 118 (X)
Ititingin ko ang aking mga mata sa mga bundok; saan baga manggagaling ang aking saklolo?
Ang saklolo sa akin ay nanggagaling sa Panginoon, na gumawa ng langit at lupa.
Hindi niya titiising ang paa mo'y makilos: siyang nagiingat sa iyo, ay hindi iidlip.
Narito, siyang nagiingat ng Israel hindi iidlip ni matutulog man.
Ang Panginoon ay tagapagingat sa iyo: ang Panginoon ay lilim mo sa iyong kanan.
Hindi ka sasaktan ng araw sa araw, ni ng buwan man sa gabi.
Iingatan ka ng Panginoon sa lahat ng kasamaan; kaniyang iingatan ang iyong kaluluwa.
Iingatan ng Panginoon ang iyong paglabas at ang iyong pagpasok, mula sa panahong ito at sa magpakailan pa man.
AWIT 118 (XI)
Ako'y natutuwa nang kanilang sabihin sa akin, tayo'y magsiparoon sa bahay ng Panginoon.
Ang mga paa natin ay nagsisitayo sa loob ng iyong mga pintuang-bayan, Oh Jerusalem;
Jerusalem, na natayo na parang bayang siksikan:
Na inaahon ng mga lipi, sa makatuwid baga'y ng mga lipi ng Panginoon, na pinaka patotoo sa Israel, upang magpasalamat sa pangalan ng Panginoon.
Sapagka't doo'y nalagay ang mga luklukan na ukol sa kahatulan, ang mga luklukan ng sangbahayan ni David.
Idalangin ninyo ang kapayapaan ng Jerusalem: sila'y magsisiginhawa na nagsisiibig sa iyo.
Kapayapaan nawa ang sumaloob ng inyong mga kuta, at kaginhawahan sa loob ng iyong mga palasio.
Dahil sa aking mga kapatid at aking mga kasama, aking sasabihin ngayon, kapayapaan ang sumaiyong loob.
Dahil sa bahay ng Panginoon nating Dios. Hahanapin ko ang iyong buti.
AWIT 118 (XII)
Sa iyo'y aking itinitingin ang mga mata ko, Oh sa iyo na nauupo sa mga langit.
Narito, kung paanong tumitingin ang mga mata ng mga alipin sa kamay ng kanilang panginoon, kung paano ang mga mata ng alilang babae sa kamay ng kaniyang panginoong babae; gayon tumitingin ang mga mata namin sa Panginoon naming Dios, hanggang sa siya'y maawa sa amin.
Maawa ka sa amin, Oh Panginoon, maawa ka sa amin: sapagka't kami ay lubhang lipos ng kadustaan.
Ang aming kaluluwa'y lubhang lipos ng duwahagi ng mga tiwasay. At ng paghamak ng palalo.
AWIT 118 (XIII)
Kung hindi ang Panginoon ay naging kakampi natin, sabihin ng Israel ngayon,
Kung hindi ang Panginoon ay naging kakampi natin, nang ang mga tao ay magsibangon laban sa atin:
Nilamon nga nila sana tayong buhay, nang ang kanilang poot ay mangagalab laban sa atin:
Tinabunan nga sana tayo ng tubig, dinaanan nga sana ang ating kaluluwa ng agos:
Dinaanan nga sana ang ating kaluluwa ng mga palalong tubig.
Purihin ang Panginoon, na hindi tayo ibinigay na pinaka huli sa kanilang mga ngipin.
Ang kaluluwa natin ay nakatanan na parang ibon sa silo ng mga manghuhuli: ang silo ay nasira, at tayo ay nakatanan.
Ang saklolo natin ay nasa pangalan ng Panginoon, na siyang gumawa ng langit at lupa.
AWIT 118 (XIV)
Silang nagsisitiwala sa Panginoon ay parang bundok ng Sion, na hindi maaaring makilos, kundi nananatili magpakailan man.
Kung paanong ang mga bundok na nangasa palibot ng Jerusalem, gayon ang Panginoon sa palibot ng kaniyang bayan, mula sa panahong ito at sa magpakailan man.
Sapagka't ang cetro ng kasamaan ay hindi bubuhatin sa mga matuwid; upang huwag iunat ng mga matuwid ang kanilang mga kamay sa kasamaan.
Gawan mo ng mabuti, Oh Panginoon, yaong mabubuti, at yaong matutuwid sa kanilang mga puso.
Nguni't sa nagsisiliko sa kanilang mga likong lakad, ilalabas ng Panginoon na kasama ng mga manggagawa ng kasamaan. Kapayapaan nawa ay suma Israel.
AWIT 118 (XV)
Nang dalhin muli ng Panginoon yaong nangagbalik sa Sion, tayo ay gaya niyaong nangananaginip.
Nang magkagayo'y napuno ang bibig natin ng pagtawa, at ang dila natin ng awit: nang magkagayo'y sinabi nila sa gitna ng mga bansa, Ginawan sila ng Panginoon ng mga dakilang bagay.
Ginawan tayo ng Panginoon ng mga dakilang bagay; na siyang ating ikinatutuwa.
Papanumbalikin mo uli ang aming nangabihag, Oh Panginoon, na gaya ng mga batis sa Timugan.
Sila na nagsisipaghasik na may luha ay magsisiani na may kagalakan.
Siyang lumalabas at umiiyak, na nagdadala ng binhing itatanim; siya'y di sasalang babalik na may kagalakan, na dala ang kaniyang mga tangkas.
AWIT 118 (XVI)
Malibang itayo ng Panginoon ang bahay, walang kabuluhang nagsisigawa ang nagtatayo: malibang ingatan ng Panginoon ang bayan, walang kabuluhang gumigising ang bantay.
Walang kabuluhan sa inyo na kayo'y magsibangong maaga, at magpahingang tanghali, at magsikain ng tinapay ng kapagalan: sapagka't binibigyan niyang gayon ng pagkakatulog ang kaniyang minamahal.
Narito, ang mga anak ay mana na mula sa Panginoon: at ang bunga ng bahay-bata ay kaniyang ganting-pala.
Kung paano ang mga pana sa kamay ng makapangyarihang lalake, gayon ang mga anak ng kabataan.
Maginhawa ang lalake na pumuno ng kaniyang lalagyan ng pana ng mga yaon: sila'y hindi mapapahiya, pagka sila'y nakikipagsalitaan sa kanilang mga kaaway sa pintuang-bayan.
AWIT 118 (XVII)
Mapalad ang bawa't isa na natatakot sa Panginoon, na lumalakad sa kaniyang mga daan.
Sapagka't iyong kakanin ang gawa ng iyong mga kamay: magiging maginhawa ka, at ikabubuti mo.
Ang asawa mo'y magiging parang mabungang puno ng ubas, sa mga pinakaloob ng iyong bahay: ang mga anak mo'y parang mga puno ng olibo, sa palibot ng iyong dulang.
Narito, na ganito nawa pagpalain ang tao, na natatakot sa Panginoon.
Pagpapalain ka ng Panginoon mula sa Sion: at iyong makikita ang buti ng Jerusalem sa lahat na kaarawan ng iyong buhay.
Oo, iyong makikita ang mga anak ng iyong mga anak. Kapayapaan nawa'y suma Israel.
Awit isandaang dalawampu't pito
Mapalad ang lahat ng nangatatakot sa Panginoon, na nagsisilakad sa Kaniyang mga daan. Kakain ka ng bunga ng iyong sariling pagpapagal; ikaw ay mapalad, at sa iyo'y mabuti. Ang iyong asawa ay magiging parang mabungang puno ng ubas sa mga tagiliran ng iyong bahay; ang iyong mga anak ay parang mga punla ng olibong sariwa sa palibot ng iyong dulang. Narito, ganyan pinagpapala ang tao na may takot sa Panginoon. Pagpapalain ka ng Panginoon mula sa Sion; at iyong makikita ang kabutihan ng Jerusalem sa lahat ng mga kaarawan ng iyong buhay. At iyong makikita ang mga anak ng iyong mga anak. Kapayapaan nawa sa Israel. Aleluya.
Awit isandaang dalawampu't walo
Madalas nila akong nilabanan mula sa aking pagkabata—sabi ng Israel—madalas nila akong nilabanan mula sa aking pagkabata, gayon ma'y hindi sila nanganaig sa akin. Sa aking likod ay nag-araro ang mga makasalanan, kanilang inunat ang kanilang mga bungkos. Ang Panginoon ay matuwid; Kaniyang pinuputol ang tali ng mga makasalanan. Mahiya at manumbalik nawa ang lahat na nangagkakamuhi sa Sion. Maging parang damo sa mga bubungan sila, na natutuyo bago pumutol; na hindi pinupuno ng nag-aani ang kaniyang kamay, ni ang kaniyang sinapupunan ng umiingat ng mga bigkis. At hindi sinasabi ng mga dadaan, Nasa inyo ang pagpapala ng Panginoon; aming binabasbasan kayo sa pangalan ng Panginoon. Aleluya.
(Ebanghelyo ayon kay Lucas 7:36-50) At isa sa mga Fariseo ay nakiusap sa Kaniya na makikain na kasama niya. At pumasok Siya sa bahay ng Fariseo, at naupo sa dulang. At narito, isang babae sa bayan na makasalanan; at nang matanto niyang Siya'y naupo sa dulang sa bahay ng Fariseo, ay nagdala siya ng sisidlan ng pabango; at tumayo sa likod sa Kaniyang mga paa na umiiyak, pinasimulan niyang buhusan ng mga luha ang Kaniyang mga paa, at kinuskos ng buhok ng kaniyang ulo, at hinagkan ang Kaniyang mga paa, at pinahiran ng pabango. Nang makita ito ng Fariseo na nag-anyaya sa Kaniya, nagsabi sa kaniyang sarili, Kung ang taong ito'y isang propeta, ay nalalaman sana niya kung sino at anong uri ng babaeng humahawak sa Kaniya, na siya'y makasalanan. At sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, Simon, mayroon akong sasabihin sa iyo. At sinabi niya, Guro, sabihin Mo. May dalawang taong may utang sa isang pinagpapautangan: ang isa'y may utang na limang daang denario, at ang isa'y limampu. Nang sila'y walang makabayad, ay kapuwa niya pinatawad. Ang alin kaya sa kanilang dalawa ang lalong iibigin niya? Sumagot si Simon at sinabi, Inaakala ko, yaong pinatawad ng lalong marami. At sinabi Niya sa kaniya, Matwid ang hatol mo. At paglingon sa babae, sinabi Niya kay Simon, Nakikita mo ba ang babaeng ito? Pumasok Ako sa iyong bahay; tubig sa Aking mga paa ay hindi mo Ako binigyan: datapuwa't siya, binuhusan ng mga luha ang Aking mga paa, at kinuskos ng buhok ng kaniyang ulo. Isang halik ay hindi mo Ako binigyan: datapuwa't mula nang pumasok Ako, ay hindi niya itinigil ang paghalik sa Aking mga paa. Langis ang Aking ulo ay hindi mo pinahiran: datapuwa't pinahiran niya ng pabango ang Aking mga paa. Kaya't sinasabi Ko sa iyo, Ipinatatawad ang kaniyang maraming mga kasalanan; sapagkat siya'y umibig ng malaki: datapuwa't ang pinatatawad ng kaunti ay umiibig ng kaunti. At sinabi Niya sa kaniya, Ipinatatawad ang iyong mga kasalanan. At nangagpasimulang mangagsabi ang nangakaupo na kasama Niya, Sino ito na pati mga kasalanan ay pinatatawad? At sinabi Niya sa babae, Iniligtas ka ng iyong pananampalataya; yumaon ka sa kapayapaan. (At sa Diyos ang laging kaluwalhatian.)
Ang Bahagi
Ibigay Mo sa akin, O Panginoon, ang masaganang bukal ng mga luha, gaya ng ibinigay Mo noong una sa babaeng makasalanan; at gawin Mo akong marapat na buhusan ang Iyong mga paa—ang mga paa na nagpalaya sa akin mula sa daan ng pagkaligaw—at maghandog sa Iyo ng pabangong napakamahal, at magkamit para sa aking sarili ng malinis na buhay sa pamamagitan ng pagsisisi; upang marinig ko ang tinig na puspos ng kagalakan: Iniligtas ka ng iyong pananampalataya. (ذوكصابتري كيه إيو كي آجيو ابنيفماتي Δόξα Πατρί καὶ Υἱῷ καὶ Ἁγίῳ Πνεύματι - Luwalhati sa Ama at sa Anak at sa Espiritu Santo).
Kapag pinag-isipan ko ang karamihan ng aking masasamang gawa, at pumapasok sa aking puso ang paggunita ng kakilakilabot na paghuhukom, ako'y nanginginig; kaya't tumatakbo ako sa Iyo, O Diyos na Mapagmahal sa mga tao. Huwag Mong ilayo ang Iyong mukha sa akin, na nagsusumamo sa Iyo, Ikaw na nag-iisa na walang kasalanan. Ipagkaloob Mo sa aking abang kaluluwa ang pagduyog ng puso bago dumating ang wakas, at iligtas Mo ako. (كي نين، كي آ إي، كي ايستوس إي أوناس تون إي أونون آمين Καὶ νῦν καὶ ἀεὶ καὶ εἰς τοὺς αἰῶνας τῶν αἰώνων. Ἀμήν - ngayon at kailanman at hanggang sa mga kapanahunan ng mga kapanahunan. Amen).
Dinadakila Ka ng mga langit, O puspos ng biyaya, ikinasal na walang pag-aasawa; at kami man ay dinadakila ang Iyong kapanganakang di-maaarok. O Ina ng Diyos, Ina ng awa at kaligtasan, ipinamamagitan mo para sa kaligtasan ng aming mga kaluluwa. (كي نين، كي آ إي، كي ايستوس إي أوناس تون إي أونون آمين Καὶ νῦν καὶ ἀεὶ καὶ εἰς τοὺς αἰῶνας τῶν αἰώνων. Ἀμήν - ngayon at kailanman at hanggang sa mga kapanahunan ng mga kapanahunan. Amen).
O Hari na nasa langit, Mangaaliw, Espiritu ng Katotohanan, na nasa lahat ng dako at pumupuno sa lahat, Yaman ng mga kabutihan at Tagapagbigay-buhay, pumarito Ka at manahan Ka sa amin, at linisin Mo kami sa bawa't dumi, O Mabuti, at iligtas Mo ang aming mga kaluluwa. (ذوكصابتري كيه إيو كي آجيو ابنيفماتي Δόξα Πατρί καὶ Υἱῷ καὶ Ἁγίῳ Πνεύματι - Luwalhati sa Ama at sa Anak at sa Espiritu Santo).
Gaya ng Iyong pakikisama sa Iyong mga alagad, O Tagapagligtas, at ibinigay Mo sa kanila ang kapayapaan, pumarito Ka rin at sumaatin at igawad Mo sa amin ang Iyong kapayapaan, at iligtas Mo at tubusin ang aming mga kaluluwa. (كي نين، كي آ إي، كي ايستوس إي أوناس تون إي أونون آمين Καὶ νῦν καὶ ἀεὶ καὶ εἰς τοὺς αἰῶνας τῶν αἰώνων. Ἀμήν - ngayon at kailanman at hanggang sa mga kapanahunan ng mga kapanahunan. Amen).
Kapag kami'y tumatayo sa Iyong banal na templo, inaaring tulad ng pagtayo sa langit. O Ina ng Diyos, Ikaw ang pintuan ng langit; buksan Mo para sa amin ang pintuan ng awa.
Κύριε ἐλέησον Kyrie eleison (Panginoon, maawa Ka) 41 na beses
Tatlong Pagpapabanal (Trisagion)
Banal ang Diyos, Banal na Makapangyarihan, Banal na Walang-kamatayan, na ipinanganak ng Birhen, maawa Ka sa amin. Banal ang Diyos, Banal na Makapangyarihan, Banal na Walang-kamatayan, na ipinako sa krus dahil sa amin, maawa Ka sa amin. Banal ang Diyos, Banal na Makapangyarihan, Banal na Walang-kamatayan, na muling nabuhay mula sa mga patay at umakyat sa mga langit, maawa Ka sa amin. Luwalhati sa Ama at sa Anak at sa Espiritu Santo, ngayon at kailanman at hanggang sa mga kapanahunan ng mga kapanahunan. Amen. O Banal na Santatlo, maawa Ka sa amin. O Banal na Santatlo, maawa Ka sa amin. O Banal na Santatlo, maawa Ka sa amin.
Panginoon, patawarin Mo ang aming mga kasalanan. Panginoon, patawarin Mo ang aming mga kasamaan. Panginoon, patawarin Mo ang aming mga pagkukulang. Panginoon, dalawin Mo ang mga maysakit ng Iyong bayan; pagalingin Mo sila alang-alang sa Iyong banal na Pangalan. Ang aming mga ama at kapatid na nangatulog, Panginoon, paingahin Mo ang kanilang mga kaluluwa. Ikaw na walang kasalanan, Panginoon, maawa Ka sa amin. Ikaw na walang kasalanan, Panginoon, tulungan Mo kami at tanggapin Mo ang aming mga kahilingan sa Iyo; sapagkat Iyo ang kaluwalhatian at kapangyarihan at tatlongulitang pagpapabanal. Panginoon, maawa Ka. Panginoon, maawa Ka. Panginoon, pagpalain Mo. Amen.
At gawin Mo kaming karapat-dapat na sabihin nang may pasasalamat: Ama Namin, sumasalangit Ka....
Tenoo oasht emmok o piekhristos nem pekyot en aghathos nem pi epnevma ethowab je akee ak soati emmon nai nan
Madalas na ako'y dinalamhati nila mula sa aking kabataan, sabihin ngayon ng Israel,
Madalas na ako'y dinalamhati nila mula sa aking kabataan: gayon ma'y hindi sila nanganaig laban sa akin.
Ang mga mangaararo ay nagsiararo sa aking likod; kanilang pinahaba ang kanilang bungkal.
Ang Panginoon ay matuwid: kaniyang pinutol ang mga panali ng masama.
Mapahiya sila at magsitalikod, silang lahat na nangagtatanim ng loob sa Sion.
Sila'y maging parang damo sa mga bubungan, na natutuyo bago lumaki:
Na hindi pinupuno ng manggagapas ang kaniyang kamay niyaon, ni siyang nagtatali man ng mga bigkis, ang kaniyang sinapupunan.
Hindi man sinasabi ng nagsisipagdaan, ang pagpapala ng Panginoon, ay sumainyo nawa; binabasbasan namin kayo sa pangalan ng Panginoon.
Pagkatapos ay mananalangin ang sumasamba:
Mula sa mga kalaliman ay dumaing ako sa iyo, Oh Panginoon.
Panginoon, dinggin mo ang aking tinig: pakinggan ng iyong mga pakinig ang tinig ng aking mga pamanhik.
Kung ikaw, Panginoon, magtatanda ng mga kasamaan, Oh Panginoon, sinong tatayo?
Nguni't may kapatawarang taglay ka, upang ikaw ay katakutan.
Aking hinihintay ang Panginoon, hinihintay ng aking kaluluwa, at sa kaniyang salita ay umaasa ako.
Hinihintay ng aking kaluluwa ang Panginoon, ng higit kay sa paghihintay ng bantay sa umaga; Oo, higit kay sa bantay sa umaga.
Oh Israel, umasa ka sa Panginoon; sapagka't sa Panginoon ay may kagandahang-loob.
At kaniyang tutubusin ang Israel sa lahat niyang kasamaan.
BANAL, BANAL, BANAL
Panginoon, hindi hambog ang aking puso, ni mayabang man ang aking mga mata; ni nagsasanay man ako sa mga dakilang bagay, o sa mga bagay na totoong kagilagilalas sa akin.
Tunay na aking itiniwasay at itinahimik ang aking kaluluwa; parang batang inihiwalay sa suso sa kaniyang ina, ang kaluluwa ko ay parang inihiwalay na bata sa suso.
Oh Israel, umasa ka sa Panginoon mula sa panahong ito at sa magpakailan pa man.
ANG WAKAS NG BAWAT ORAS
Panginoon, alalahanin mo para kay David ang lahat niyang kadalamhatian;
Kung paanong sumumpa siya sa Panginoon, at nanata sa Makapangyarihan ni Jacob:
Tunay na hindi ako papasok sa tabernakulo ng aking bahay, ni sasampa man sa aking higaan,
Hindi ako magbibigay ng pagkakatulog sa aking mga mata, o magpapaidlip man sa aking mga talukap-mata;
Hanggang sa ako'y makasumpong ng dakong ukol sa Panginoon, ng tabernakulo ukol sa Makapangyarihan ni Jacob.
Narito, narinig namin sa Ephrata: aming nasumpungan sa mga parang ng gubat.
Kami ay magsisipasok sa kaniyang tabernakulo; kami ay magsisisamba sa harap ng kaniyang tungtungan.
Bumangon ka, Oh Panginoon, sa iyong pahingahang dako: ikaw, at ang kaban ng iyong kalakasan.
Magsipagsuot ang iyong mga saserdote ng katuwiran; at magsihiyaw ang iyong mga banal dahil sa kagalakan.
Dahil sa iyong lingkod na kay David huwag mong ipihit ang mukha ng iyong pinahiran ng langis.
Ang Panginoon ay sumumpa kay David sa katotohanan; hindi niya babaligtarin: ang bunga ng iyong katawan ay aking ilalagay sa iyong luklukan.
Kung iingatan ng iyong mga anak ang aking tipan. At ang aking patotoo na aking ituturo, magsisiupo naman ang kanilang mga anak sa iyong luklukan magpakailan man.
Sapagka't pinili ng Panginoon ang Sion; kaniyang ninasa na pinaka tahanan niya.
Ito'y aking pahingahang dako magpakailan man. Dito ako tatahan; sapagka't aking ninasa.
Aking pagpapalain siyang sagana sa pagkain; aking bubusugin ng pagkain ang kaniyang dukha.
Ang kaniya namang mga saserdote ay susuutan ko ng kaligtasan: at ang kaniyang mga banal ay magsisihiyaw ng malakas sa kagalakan.
Doo'y aking pamumukuhin ang sungay ni David: aking ipinaghanda ng ilawan ang aking pinahiran ng langis.
Ang kaniyang mga kaaway ay susuutan ko ng kahihiyan: nguni't sa kaniya'y mamumulaklak ang kaniyang putong.
Ikalawang Bantay
Masdan ninyo, na pagkabuti at pagkaligaya sa mga magkakapatid na magsitahang magkakasama sa pagkakaisa!
Parang mahalagang langis sa ulo, na tumutulo sa balbas, sa makatuwid baga'y sa balbas ni Aaron. Na tumulo sa laylayan ng kaniyang mga suot;
Gaya ng hamog sa Hermon, na tumutulo sa mga bundok ng Sion: sapagka't doon pinarating ng Panginoon ang pagpapala, sa makatuwid baga'y ang buhay na magpakailan pa man.
AWIT 119
Mapalad silang sakdal sa lakad, na nagsisilakad sa kautusan ng Panginoon.
Mapalad silang nangagiingat ng kaniyang mga patotoo, na nagsisihanap sa kaniya ng buong puso.
Oo, silang hindi nagsisigawa ng kalikuan; sila'y nagsisilakad sa kaniyang mga daan.
Iyong iniutos sa amin ang mga tuntunin mo, upang aming sunding masikap.
Oh matatag nawa ang aking mga daan, upang sundin ang mga palatuntunan mo!
Hindi nga ako mapapahiya, pagka ako'y nagkaroon ng galang sa inyong lahat na mga utos.
Ako'y magpapasalamat sa iyo sa pamamagitan ng katuwiran ng puso, pagka aking natutuhan ang mga matuwid mong kahatulan.
Aking tutuparin ang mga palatuntunan mo: Oh huwag mo akong pabayaang lubos.
Sa paano lilinisin ng isang binata ang kaniyang daan? Sa pagdinig doon ayon sa iyong salita.
Hinanap kita ng aking buong puso: Oh huwag nawa akong malihis sa iyong mga utos.
Ang salita mo'y aking iningatan sa aking puso: upang huwag akong magkasala laban sa iyo.
Mapalad ka, Oh Panginoon: ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.
Aking ipinahayag ng aking mga labi ang lahat ng mga kahatulan ng iyong bibig.
Ako'y nagalak sa daan ng iyong mga patotoo, na gaya ng lahat na kayamanan.
Ako'y magbubulay sa iyong mga tuntunin, at gagalang sa iyong mga daan.
Ako'y magaaliw sa iyong mga palatuntunan: hindi ko kalilimutan ang iyong salita.
Gawan ng mabuti ang iyong lingkod, upang ako'y mabuhay; sa gayo'y aking susundin ang iyong salita.
Idilat mo ang aking mga mata, upang ako'y makakita ng kagilagilalas na mga bagay sa iyong kautusan.
Ako'y nakikipamayan sa lupa: huwag mong ikubli ang mga utos mo sa akin.
Ang puso ko'y nadudurog sa pananabik na tinatamo sa iyong mga kahatulan sa lahat ng panahon.
Iyong sinaway ang mga palalong sinumpa, na nagsisihiwalay sa iyong mga utos.
Alisin mo sa akin ang kadustaan at kakutyaan; sapagka't iningatan ko ang iyong mga patotoo.
Mga pangulo naman ay nagsiupo, at naguusap ng laban sa akin; nguni't ang lingkod mo'y nagbulay sa iyong mga palatuntunan.
Ang mga patotoo mo naman ay aking mga kaluguran at aking mga tagapayo.
Ang kaluluwa ko'y dumidikit sa alabok: buhayin mo ako ayon sa iyong salita.
Aking ipinahayag ang mga lakad ko, at ikaw ay sumagot sa akin: ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.
Ipaunawa mo sa akin ang daan ng iyong mga tuntunin: sa gayo'y aking bubulayin ang iyong kagilagilalas na mga gawa.
Ang kaluluwa ko'y natutunaw sa kabigatan ng loob: iyong palakasin ako ayon sa iyong salita.
Ilayo mo sa akin ang daan ng kasinungalingan: at ipagkaloob mo sa aking may pagbibiyaya ang iyong kautusan.
Aking pinili ang daan ng pagtatapat: ang mga kahatulan mo'y inilagay ko sa harap ko.
Ako'y kumapit sa iyong mga patotoo: Oh Panginoon, huwag mo akong ilagay sa kahihiyan.
Aking tatakbuhan ang daan ng iyong mga utos, pagka iyong pinalaki ang aking puso.
Ituro mo sa akin, Oh Panginoon, ang daan ng iyong mga palatuntunan; at aking iingatan hanggang sa wakas.
Bigyan mo ako ng pagkaunawa at aking iingatan ang iyong kautusan; Oo, aking susundin ng aking buong puso.
Payaunin mo ako sa landas ng iyong mga utos; sapagka't siya kong kinaaliwan.
Ikiling mo ang aking puso sa iyong mga patotoo, at huwag sa kasakiman.
Alisin mo ang aking mga mata sa pagtingin ng walang kabuluhan. At buhayin mo ako sa iyong mga daan.
Papagtibayin mo ang iyong salita sa iyong lingkod, na ukol sa takot sa iyo.
Alisin mo ang aking kadustaan na aking kinatatakutan: sapagka't ang mga kahatulan mo'y mabuti.
Narito, ako'y nanabik sa iyong mga tuntunin; buhayin mo ako sa iyong katuwiran.
Padatingin mo rin sa akin ang iyong mga kagandahang-loob, Oh Panginoon, sa makatuwid baga'y ang iyong kaligtasan, ayon sa iyong salita.
Sa gayo'y magkakaroon ako ng kasagutan sa kaniya na dumuduwahagi sa akin; sapagka't ako'y tumitiwala sa iyong salita.
At huwag mong lubos na kunin ang salita ng katotohanan sa aking bibig; sapagka't ako'y umasa sa iyong mga kahatulan.
Gayon ko susundin ang iyong kautusan na palagi magpakailan-kailan pa man.
At lalakad ako sa kalayaan; sapagka't aking hinanap ang iyong mga tuntunin.
Ako nama'y magsasalita ng iyong mga patotoo sa harap ng mga hari, at hindi ako mapapahiya.
At ako'y maaaliw sa iyong mga utos, na aking iniibig.
Akin namang itataas ang aking mga kamay sa iyong mga utos, na aking inibig; at ako'y magbubulay sa iyong mga palatuntunan.
Iyong alalahanin ang salita sa iyong lingkod, na doo'y iyong pinaasa ako.
Ito'y aking kaaliwan sa aking pagkapighati: sapagka't binuhay ako ng iyong salita.
Ang palalo ay dumuwahaging mainam sa akin: gayon ma'y hindi ako hihiwalay sa iyong kautusan.
Aking inalaala ang mga kahatulan mo ng una, Oh Panginoon, at ako'y nagaliw sa sarili.
Maalab na galit ang humawak sa akin, dahil sa masama na nagpabaya ng iyong kautusan.
Ang iyong mga palatuntunan ay naging aking mga awit sa bahay ng aking pangingibang bayan.
Aking inalaala sa gabi ang pangalan mo, Oh Panginoon, at sinunod ko ang iyong kautusan.
Ito ang tinamo ko, sapagka't aking iningatan ang mga tuntunin mo.
Ang Panginoon ay aking bahagi: aking sinabi na aking tutuparin ang iyong mga salita.
Aking hiniling ang iyong biyaya ng aking buong puso: magmahabagin ka sa akin ayon sa iyong salita.
Ako'y nagiisip sa aking mga lakad, at ibinalik ko ang aking mga paa sa iyong mga patotoo.
Ako'y nagmadali, at hindi ako nagmakupad, na sundin ang iyong mga utos.
Pinuluputan ako ng mga panali ng masama; nguni't hindi ko nilimot ang iyong kautusan.
Sa hating gabi ay babangon ako upang magpasalamat sa iyo, dahil sa iyong mga matuwid na kahatulan.
Ako'y kasama ng lahat na nangatatakot sa iyo, at ng nagsisitupad ng iyong mga tuntunin.
Ang lupa, Oh Panginoon, ay puno ng iyong kagandahang-loob: ituro mo sa akin ang iyong mga palatuntunan.
Ginawan mo ng mabuti ang iyong lingkod, Oh Panginoon, ayon sa iyong salita.
Turuan mo ako ng mabuting kahatulan at kaalaman; sapagka't ako'y sumampalataya sa iyong mga utos.
Bago ako nagdalamhati ay naligaw ako; nguni't ngayo'y tinutupad ko ang iyong salita.
Ikaw ay mabuti, at gumagawa ng mabuti; ituro mo sa akin ang iyong mga palatuntunan.
Ang palalo ay kumatha ng kabulaanan laban sa akin: aking tutuparin ang iyong mga tuntunin ng buong puso ko.
Ang puso nila ay matabang gaya ng sebo; nguni't ako'y naaaliw sa iyong kautusan.
Mabuti sa akin na ako'y napighati; upang aking matutuhan ang mga palatuntunan mo.
Ang kautusan ng iyong bibig ay lalong mabuti sa akin kay sa libong ginto at pilak.
Ginawa ako at inanyuan ako ng iyong mga kamay: bigyan mo ako ng unawa, upang matutuhan ko ang iyong mga utos.
Silang nangatatakot sa iyo ay makikita ako, at matutuwa; sapagka't ako'y umasa sa iyong salita;
Talastas ko, Oh Panginoon na ang mga kahatulan mo ay matuwid, at sa pagtatapat, iyo akong dinalamhati.
Isinasamo ko sa iyo na maging kaaliwan ko ang iyong kagandahang-loob, ayon sa iyong salita sa iyong lingkod.
Dumating nawa sa akin ang iyong malumanay na kaawaan upang ako'y mabuhay: sapagka't ang kautusan mo'y aking kaaliwan.
Mahiya ang palalo; sapagka't dinaig nila ako ng walang kadahilanan: nguni't ako'y magbubulay sa iyong mga tuntunin.
Bumalik nawa sa akin yaong nangatatakot sa iyo, at silang nangakakakilala ng iyong mga patotoo.
Maging sakdal nawa ang aking puso sa iyong mga palatuntunan; upang huwag akong mapahiya.
Pinanglulupaypayan ng aking kaluluwa ang iyong pagliligtas: nguni't umaasa ako sa iyong salita.
Pinangangalumatahan ng aking mga mata ang iyong salita, samantalang aking sinasabi, Kailan mo ako aaliwin?
Sapagka't ako'y naging parang balat na lalagyan ng alak sa usok; gayon ma'y hindi ko kinalilimutan ang iyong mga palatuntunan.
Gaano karami ang mga kaarawan ng iyong lingkod? Kailan ka gagawa ng kahatulan sa kanila na nagsisiusig sa akin?
Inihukay ako ng palalo ng mga lungaw na hindi mga ayon sa iyong kautusan.
Lahat mong mga utos ay tapat. Kanilang inuusig ako na may kamalian; tulungan mo ako.
Kanilang tinunaw ako halos sa ibabaw ng lupa; nguni't hindi ko pinabayaan ang mga tuntunin mo.
Buhayin mo ako ayon sa iyong kagandahang-loob; sa gayo'y aking iingatan ang patotoo ng iyong bibig.
Magpakailan man, Oh Panginoon, ang iyong salita ay natatag sa langit.
Ang iyong pagtatapat ay sa lahat ng sali't saling lahi: iyong itinatag ang lupa, at lumalagi.
Namamalagi sa araw na ito ayon sa iyong mga alituntunin; sapagka't lahat ng bagay ay mga lingkod mo.
Kundi ang kautusan mo'y naging aking kaaliwan, namatay nga sana ako sa aking kadalamhatian.
Hindi ko kalilimutan kailan man ang mga tuntunin mo; sapagka't sa pamamagitan ng mga yaon ay binuhay mo ako.
Ako'y iyo, iligtas mo ako, sapagka't aking hinanap ang mga tuntunin mo,
Inabatan ako ng masama upang ako'y patayin; nguni't aking gugunitain ang iyong mga patotoo.
Aking nakita ang wakas ng buong kasakdalan; nguni't ang utos mo'y totoong malawak.
Oh gaanong iniibig ko ang iyong kautusan! Siya kong gunita buong araw.
Pinarunong ako kay sa aking mga kaaway ng iyong mga utos; sapagka't mga laging sumasa akin.
Ako'y may higit na unawa kay sa lahat ng tagapagturo sa akin; sapagka't ang iyong mga patotoo ay gunita ko.
Ako'y nakakaunawa na higit kay sa may katandaan, sapagka't aking iningatan ang mga tuntunin mo.
Aking pinigil ang mga paa ko sa lahat ng masamang lakad, upang aking masunod ang salita mo.
Ako'y hindi lumihis sa iyong mga kahatulan; sapagka't iyong tinuruan ako.
Pagkatamis ng iyong mga salita sa aking lasa! Oo, matamis kay sa pulot sa aking bibig!
Sa iyong mga tuntunin ay nagkakamit ako ng unawa: kaya't aking ipinagtatanim ang bawa't lakad na sinungaling.
Ang salita mo'y ilawan sa aking mga paa, at liwanag sa aking landas.
Ako'y sumumpa, at pinagtibay ko, na aking tutuparin ang mga matuwid mong kahatulan.
Ako'y nagdadalamhating mainam: buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong salita.
Tanggapin mo, isinasamo ko sa iyo, ang mga kusang handog ng aking bibig, Oh Panginoon, at ituro mo sa akin ang mga kahatulan mo.
Ang kaluluwa ko'y laging nasa aking kamay; gayon ma'y hindi ko kinalilimutan ang kautusan mo.
Ipinaglagay ako ng silo ng masama; gayon ma'y hindi ako lumihis sa iyong mga tuntunin.
Ang mga patotoo mo'y inari kong pinakamana magpakailanman; sapagka't sila ang kagalakan ng aking puso.
Ikiniling ko ang puso ko na ganapin ang mga palatuntunan mo, magpakailan man, sa makatuwid baga'y hanggang sa wakas.
Ipinagtatanim ko sila na may salawahang pagiisip; nguni't ang iyong kautusan ay iniibig ko.
Ikaw ang kublihan kong dako at kalasag ko: ako'y umaasa sa iyong salita.
Magsihiwalay kayo sa akin, kayong mga manggagawa ng kasamaan; upang aking maingatan ang mga utos ng aking Dios.
Alalayan mo ako ayon sa iyong salita, upang ako'y mabuhay; at huwag mo akong hiyain sa aking pagasa.
Alalayan mo ako, at ako'y maliligtas, at magkakaroon ako ng laging pitagan sa iyong mga palatuntunan.
Inilagay mo sa wala silang lahat na naliligaw sa iyong mga palatuntunan; sapagka't ang kanilang pagdaraya ay kasinungalingan.
Inaalis mo ang lahat ng masama sa lupa na gaya ng taing bakal; kaya't iniibig ko ang mga patotoo mo.
Ang laman ko'y nanginginig dahil sa takot sa iyo; at ako'y takot sa iyong mga kahatulan.
Ako'y gumawa ng kahatulan at kaganapan: huwag mo akong iwan sa mga mangaapi sa akin.
Maging tagapatnugot ka ng iyong lingkod sa ikabubuti: huwag mong ipapighati ako sa palalo.
Pinangangalumatahan ng aking mga mata ang iyong pagliligtas, at ang iyong matuwid na salita.
Gawan mo ang lingkod mo ng ayon sa iyong kagandahang-loob, at ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.
Ako'y lingkod mo; bigyan mo ako ng unawa; upang aking maalaman ang mga patotoo mo,
Kapanahunan sa Panginoon na gumawa; sapagka't kanilang niwalang kabuluhan ang kautusan mo.
Kaya't aking iniibig ang mga utos mo ng higit sa ginto, oo, higit sa dalisay na ginto.
Kaya't aking pinahahalagahan na matuwid ang lahat mong mga tuntunin tungkol sa lahat ng mga bagay; at ipinagtatanim ko ang bawa't sinungaling na lakad.
Ang mga patotoo mo'y kagilagilalas; kayat sila'y iniingatan ng aking kaluluwa.
Ang bukas ng iyong mga salita ay nagbibigay ng liwanag; nagbibigay ng unawa sa walang muwang.
Aking binuka ng maluwang ang bibig ko, at ako'y nagbuntong-hininga; sapagka't aking pinanabikan ang mga utos mo.
Manumbalik ka sa akin, at maawa ka sa akin, gaya ng iyong kinauugaliang gawin sa nagsisiibig ng iyong pangalan.
Itatag mo ang mga hakbang ko sa iyong salita; at huwag magkaroon ng kapangyarihan sa akin ang anomang kasamaan.
Tubusin mo ako sa pagpighati ng tao: sa gayo'y aking tutuparin ang mga tuntunin mo.
Pasilangin mo ang mukha mo sa iyong lingkod; at ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo.
Ang mga mata ko'y nagsisiagos ng mga ilog ng tubig; sapagka't hindi nila tinutupad ang kautusan mo.
Matuwid ka, Oh Panginoon, at matuwid ang mga kahatulan mo.
Iniutos mo ang mga patotoo mo sa katuwiran at totoong may pagtatapat.
Tinunaw ako ng aking sikap, sapagka't kinalimutan ng aking mga kaaway ang mga salita mo.
Ang salita mo'y totoong malinis; kaya't iniibig ito ng iyong lingkod.
Ako'y maliit at hinahamak: gayon ma'y hindi ko kinalilimutan ang mga tuntunin mo.
Ang katuwiran mo ay walang hanggang katuwiran, at ang kautusan mo'y katotohanan.
Kabagabagan at kahirapan ay humawak sa akin: gayon ma'y ang mga utos mo'y aking kaaliwan.
Ang mga patotoo mo'y matuwid magpakailan man: bigyan mo ako ng unawa at mabubuhay ako.
Ako'y tumawag ng aking buong puso; sagutin mo ako, Oh Panginoon: iingatan ko ang iyong mga palatuntunan.
Ako'y tumawag sa iyo; iligtas mo ako, at aking tutuparin ang mga patotoo mo.
Ako'y nagpauna sa bukang-liwayway ng umaga, at dumaing ako: ako'y umasa sa iyong mga salita.
Ang mga mata ko'y nanguna sa mga pagpupuyat sa gabi, upang aking magunita ang salita mo.
Dinggin mo ang tinig ko ayon sa iyong kagandahang-loob: buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong mga kahatulan.
Silang nagsisisunod sa kasamaan ay nagsisilapit; sila'y malayo sa iyong kautusan.
Ikaw ay malapit, Oh Panginoon; at lahat mong utos ay katotohanan.
Nang una'y nakaunawa ako sa iyong mga patotoo, na iyong pinamalagi magpakailan man.
Pakundanganan mo ang aking kadalamhatian at iligtas mo ako; sapagka't hindi ko kinalilimutan ang iyong kautusan.
Ipaglaban mo ang aking usap, at iligtas mo ako: buhayin mo ako ayon sa iyong salita.
Kaligtasan ay malayo sa masama; sapagka't hindi nila hinahanap ang mga palatuntunan mo.
Dakila ang mga malumanay mong kaawaan, Oh Panginoon: buhayin mo ako ayon sa iyong mga kahatulan.
Marami ang mga manguusig sa akin at mga kaaway ko; gayon ma'y hindi ako humiwalay sa iyong mga patotoo.
Aking namasdan ang mga magdarayang manggagawa at ako'y namanglaw; sapagka't hindi nila sinusunod ang salita mo.
Dilidilihin mo kung gaano iniibig ko ang mga utos mo: buhayin mo ako, Oh Panginoon, ayon sa iyong kagandahang-loob.
Ang kabuoan ng iyong salita ay katotohanan; at bawa't isa ng iyong matutuwid na kahatulan ay magpakailan man.
Inusig ako ng mga pangulo ng walang kadahilanan; nguni't ang puso ko'y nanginginig sa iyong mga salita.
Ako'y nagagalak sa iyong salita, na parang nakakasumpong ng malaking samsam.
Aking pinagtataniman at kinasusuklaman ang pagsisinungaling; nguni't ang kautusan mo'y aking iniibig.
Makapito sa isang araw na pumupuri ako sa iyo, dahil sa iyong matutuwid na kahatulan.
Dakilang kapayapaan ang tinatamo nila na nagsisiibig ng iyong kautusan. At sila'y walang kadahilanang ikatitisod.
Ako'y umasa sa iyong pagliligtas, Oh Panginoon. At ginawa ko ang mga utos mo.
Sinunod ng aking kaluluwa ang mga patotoo mo; at iniibig kong mainam,
Aking tinupad ang iyong mga tuntunin at ang iyong mga patotoo; sapagka't lahat ng aking lakad ay nasa harap mo.
Dumating nawa sa harap mo ang aking daing, Oh Panginoon: bigyan mo ako ng unawa ayon sa iyong salita.
Dumating nawa sa harap mo ang aking pamanhik: iligtas mo ako ayon sa iyong salita.
Tulutang magbadya ng pagpuri ang aking mga labi; sapagka't itinuturo mo sa akin ang iyong mga palatuntunan.
Awitin ng aking dila ang iyong salita; sapagka't lahat ng mga utos mo ay katuwiran.
Magsihanda nawa ang iyong kamay na tulungan ako; sapagka't aking pinili ang iyong mga tuntunin.
Aking pinanabikan ang iyong pagliligtas, Oh Panginoon: at ang iyong kautusan ay aking kaaliwan.
Mabuhay nawa ang aking kaluluwa, at pupuri sa iyo; at tulungan nawa ako ng iyong mga kahatulan.
Ako'y naligaw na parang tupang nawala; hanapin mo ang iyong lingkod; sapagka't hindi ko kinalilimutan ang iyong mga utos.
AWIT 120
Sa aking kahirapan ay dumaing ako sa Panginoon, at sinagot niya ako.
Iligtas mo ang aking kaluluwa, Oh Panginoon, sa mga sinungaling na labi, at mula sa magdarayang dila.
Anong maibibigay sa iyo, at anong magagawa pa sa iyo, ikaw na magdarayang dila?
Mga hasang pana ng makapangyarihan, at mga baga ng enebro.
Sa aba ko, na nakikipamayan sa Mesech, na tumatahan ako sa mga tolda sa Kedar!
Malaon ng tinatahanan ng aking kaluluwa na kasama niyang nagtatanim sa kapayapaan.
Ako'y sa kapayapaan: nguni't pagka ako'y nagsasalita, sila'y sa pakikidigma.
AWIT 121
Ititingin ko ang aking mga mata sa mga bundok; saan baga manggagaling ang aking saklolo?
Ang saklolo sa akin ay nanggagaling sa Panginoon, na gumawa ng langit at lupa.
Hindi niya titiising ang paa mo'y makilos: siyang nagiingat sa iyo, ay hindi iidlip.
Narito, siyang nagiingat ng Israel hindi iidlip ni matutulog man.
Ang Panginoon ay tagapagingat sa iyo: ang Panginoon ay lilim mo sa iyong kanan.
Hindi ka sasaktan ng araw sa araw, ni ng buwan man sa gabi.
Iingatan ka ng Panginoon sa lahat ng kasamaan; kaniyang iingatan ang iyong kaluluwa.
Iingatan ng Panginoon ang iyong paglabas at ang iyong pagpasok, mula sa panahong ito at sa magpakailan pa man.
AWIT 122
Ako'y natutuwa nang kanilang sabihin sa akin, tayo'y magsiparoon sa bahay ng Panginoon.
Ang mga paa natin ay nagsisitayo sa loob ng iyong mga pintuang-bayan, Oh Jerusalem;
Jerusalem, na natayo na parang bayang siksikan:
Na inaahon ng mga lipi, sa makatuwid baga'y ng mga lipi ng Panginoon, na pinaka patotoo sa Israel, upang magpasalamat sa pangalan ng Panginoon.
Sapagka't doo'y nalagay ang mga luklukan na ukol sa kahatulan, ang mga luklukan ng sangbahayan ni David.
Idalangin ninyo ang kapayapaan ng Jerusalem: sila'y magsisiginhawa na nagsisiibig sa iyo.
Kapayapaan nawa ang sumaloob ng inyong mga kuta, at kaginhawahan sa loob ng iyong mga palasio.
Dahil sa aking mga kapatid at aking mga kasama, aking sasabihin ngayon, kapayapaan ang sumaiyong loob.
Dahil sa bahay ng Panginoon nating Dios. Hahanapin ko ang iyong buti.
AWIT 123
Sa iyo'y aking itinitingin ang mga mata ko, Oh sa iyo na nauupo sa mga langit.
Narito, kung paanong tumitingin ang mga mata ng mga alipin sa kamay ng kanilang panginoon, kung paano ang mga mata ng alilang babae sa kamay ng kaniyang panginoong babae; gayon tumitingin ang mga mata namin sa Panginoon naming Dios, hanggang sa siya'y maawa sa amin.
Maawa ka sa amin, Oh Panginoon, maawa ka sa amin: sapagka't kami ay lubhang lipos ng kadustaan.
Ang aming kaluluwa'y lubhang lipos ng duwahagi ng mga tiwasay. At ng paghamak ng palalo.
AWIT 124
Kung hindi ang Panginoon ay naging kakampi natin, sabihin ng Israel ngayon,
Kung hindi ang Panginoon ay naging kakampi natin, nang ang mga tao ay magsibangon laban sa atin:
Nilamon nga nila sana tayong buhay, nang ang kanilang poot ay mangagalab laban sa atin:
Tinabunan nga sana tayo ng tubig, dinaanan nga sana ang ating kaluluwa ng agos:
Dinaanan nga sana ang ating kaluluwa ng mga palalong tubig.
Purihin ang Panginoon, na hindi tayo ibinigay na pinaka huli sa kanilang mga ngipin.
Ang kaluluwa natin ay nakatanan na parang ibon sa silo ng mga manghuhuli: ang silo ay nasira, at tayo ay nakatanan.
Ang saklolo natin ay nasa pangalan ng Panginoon, na siyang gumawa ng langit at lupa.
MGA AWIT 125
Purihin ninyo ang Panginoon; sapagka't mabuting umawit ng mga pagpuri sa ating Dios; sapagka't maligaya, at ang pagpuri ay nakalulugod.
Itinatayo ng Panginoon ang Jerusalem; kaniyang pinipisan ang mga natapon na Israel.
Kaniyang pinagagaling ang mga may bagbag na puso, at tinatalian niya ang kanilang mga sugat.
Kaniyang sinasaysay ang bilang ng mga bituin; siya ang nagbibigay sa kanila ng lahat nilang pangalan.
Dakila ang ating Panginoon, at makapangyarihan sa kapangyarihan; ang kaniyang unawa ay walang hanggan,
Inaalalayan ng Panginoon ang maamo: kaniyang inilulugmok sa lupa ang masama.
Magsiawit kayo sa Panginoon ng pagpapasalamat; magsiawit kayo sa alpa ng mga pagpuri sa ating Dios:
Na nagtatakip sa mga langit ng mga alapaap. Na siyang naghahanda ng ulan sa lupa, na nagpapatubo ng damo sa mga bundok.
Siya'y nagbibigay sa hayop ng kaniyang pagkain. At sa mga inakay na uwak na nagsisidaing.
Siya'y hindi nalulugod sa lakas ng kabayo: siya'y hindi nasasayahan sa mga paa ng tao.
Ang Panginoon ay naliligaya sa kanila na nangatatakot sa kaniya, sa nagsisiasa sa kaniyang kagandahang-loob.
Purihin mo ang Panginoon, Oh Jerusalem; purihin mo ang iyong Dios, Oh Sion.
Sapagka't kaniyang pinatibay ang mga halang ng iyong mga pintuang-bayan; kaniyang pinagpala ang iyong mga anak sa loob mo.
Siya'y gumagawa ng kapayapaan sa iyong mga hangganan; kaniyang binubusog ka ng pinakamainam na trigo.
Kaniyang sinusugo ang kaniyang utos sa lupa; ang kaniyang salita ay tumatakbong maliksi.
Siya'y nagbibigay ng nieve na parang balahibo ng tupa; siya'y nagkakalat ng eskarcha na parang abo.
Kaniyang inihahagis na parang putol na maliit ang kaniyang hielo: sinong makatatagal sa harap ng lamig niyaon?
Kaniyang pinahahatdan ng salita, at tinutunaw: kaniyang pinahihihip ang kaniyang hangin, at ang tubig ay pinaagos.
Kaniyang ipinabatid ang kaniyang salita sa Jacob, ang kaniyang mga palatuntunan at mga kahatulan sa Israel.
Siya'y hindi gumawa ng gayon sa alin mang bansa: at tungkol sa kaniyang mga kahatulan, hindi nila nalaman. Purihin ninyo ang Panginoon.
(10) Awit isandaang apatnapu't lima
Purihin mo ang Panginoon, O kaluluwa ko. Aking pupurihin ang Panginoon habang ako'y nabubuhay: Aawit ako ng mga pagpupuri sa aking Diyos samantalang mayroon akong buhay. Huwag kayong mangagtiwala sa mga pangulo, ni sa anak ng tao, na sa kanila'y walang kaligtasan. Humihiwalay ang kanilang hininga, sila'y nagsisibalik sa kanilang lupang pinagmulan; sa araw na yaon ay napapawi ang kanilang mga pagiisip.
Mapalad siya na ang Diyos ni Jacob ay kaniyang saklolo, na ang kaniyang pagasa ay nasa Panginoon niyang Diyos; na gumawa ng langit at ng lupa, ng dagat, at ng lahat ng naroroon; na tumutupad ng katuwiran magpakailanman; na gumagawa ng kahatulan sa mga inaapi; na nagbibigay ng pagkain sa mga gutom. Pinalalaya ng Panginoon ang mga binibihag; itinataas ng Panginoon ang mga napapailalim; binibigyan ng katalinuhan ng Panginoon ang mga bulag; iniibig ng Panginoon ang mga matuwid; iniingatan ng Panginoon ang mga taga ibang lupa; pinalalakas Niya ang ulila at babae na bao; nguni't pinapakurba Niya ang lakad ng masama. Maghahari ang Panginoon magpakailanman, ang iyong Diyos, O Sion, sa sali't saling lahi. Aleluya.
(11) Awit isandaang apatnapu't anim
Purihin ninyo ang Panginoon; sapagkat ang umawit ay mabuti; at ang pagpuri sa ating Diyos ay kaayaaya at marapat. Itinatayo ng Panginoon ang Jerusalem; tinitipon Niya ang mga nangalat na Israel. Pinagagaling Niya ang mga may bagbag na puso, at inaari Niya ang kanilang mga sugat. Itinatala ang bilang ng mga bituin; Kaniyang tinatawag silang lahat sa pangalan nila. Dakila ang ating Panginoon, at dakila ang Kaniyang kapangyarihan; ang Kaniyang unawa ay walang hanggan. Itinataguyod ng Panginoon ang maamo; ibinababa Niya sa lupa ang masama.
Magsimula kayo sa Panginoon ng pagpapahayag ng pasasalamat; magsiawit kayo sa ating Diyos ng awit na may alpa; Siya na nagbibihis sa langit ng mga ulap; na naghahanda ng ulan para sa lupa; na nagpapasibol ng damo sa mga bundok, at ng pananim upang maglingkod sa tao; na nagbibigay sa mga hayop ng kanilang pagkain, at sa mga batang uwak na nagsisisigaw sa Kaniya. Hindi Siya nalulugod sa lakas ng kabayo; ni nalulugod Siya sa mga binti ng tao. Nalulugod ang Panginoon sa nangatatakot sa Kaniya, sa mga umaasa sa Kaniyang kagandahang-loob. Aleluya.
(12) Awit isandaang apatnapu't pito
Purihin mo ang Panginoon, O Jerusalem; purihin mo ang iyong Diyos, O Sion. Sapagkat Kaniyang pinalakas ang mga halang ng iyong mga pintuang-bayan; Kaniyang pinagpala sa loob mo ang iyong mga anak. Kaniyang itinakda ang kapayapaan sa loob ng iyong mga hangganan; at pinasasagana ka ng katabaan ng trigo. Kaniyang sinusugo ang Kaniyang salita sa lupa; madaling tumatakbo ang Kaniyang salita. Siya na nagbibigay ng niebe na parang balahibo; na nagpapalaganap ng hamog na parang abo; na naghahagis ng yelo na parang mga mumo. Sinong tatayo sa harap ng Kaniyang lamig? Kaniyang sinusugo ang Kaniyang salita, at tinutunaw yaon; Kaniyang pinahihihip ang Kaniyang hangin, at ang tubig ay dumadaloy. Kaniyang ipinakikilala ang Kaniyang salita kay Jacob, ang Kaniyang mga palatuntunan at Kaniyang mga kahatulan sa Israel. Hindi Siya tumupad ng gayon sa anomang bansa; at tungkol sa Kaniyang mga kahatulan ay hindi nila nalalaman. Aleluya.
(Ebanghelyo ayon kay Lucas 12:32-46) Huwag kang matakot, munting kawan; sapagkat kinalulugdan ng inyong Ama na ibigay sa inyo ang kaharian. Ipagbili ninyo ang inyong mga tinatangkilik, at magbigay kayo ng limos; gumawa kayo sa inyong sarili ng mga lukbutan na hindi nauubos, isang kayamanan sa langit na hindi nagkukulang, na hindi nilalapitan ng magnanakaw, ni sinisira ng tanga; sapagkat kung saan naroon ang inyong kayamanan, doon naman doroon ang inyong puso. Magbigkis ang inyong mga baywang, at sindihan ang inyong mga ilawan; at kayo'y maging gaya ng mga taong nagsisipaghintay sa kanilang panginoon, kailan siya babalik mula sa kasalan; upang kung dumating at tumuktok ay pagbuksan nila siya agad. Mapapalad ang mga aliping yaon, na kung dumating ang kanilang panginoon ay masusumpungang nangagpupuyat: katotohanang sinasabi ko sa inyo, na siya'y magbibigkis, at sila'y pauupuin sa dulang, at lalapit at paglilingkuran sila. At kung siya'y dumating sa ikalawang pagpupuyat, o dumating sa ikatlo, at masumpungan silang gayon, mapapalad ang mga aliping yaon. Datapuwa't talastasin ninyo ito, na kung nalalaman ng punong bahay kung anong oras darating ang magnanakaw, ay nagbabantay nga siya, at hindi niya pababayaang masira ang kaniyang bahay. Kayo naman ay mangagkahanda: sapagkat sa oras na hindi ninyo iniisip, ay paririto ang Anak ng tao.
At sinabi ni Pedro, Panginoon, sa amin baga sinasabi Mo ang talinghagang ito, o sa lahat? At sinabi ng Panginoon, Sino nga ang tapat at matalinong katiwala, na papamahalain ng kaniyang panginoon sa kaniyang mga alila, upang sa kapanahunan ay magbigay sa kanila ng kanilang pagkain? Mapalad ang aliping yaon na kung dumating ang kaniyang panginoon ay masusumpungang gayon ang kaniyang ginagawa. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na pamamahalain niya siya sa lahat niyang pag-aari. Datapuwa't kung ang aliping yaon ay magsabi sa kaniyang puso, Nagluluwat ang aking panginoon sa pagparito; at magpasimulang bugbugin ang mga alilang lalaki at babae, at kumain at uminom at maglasing; darating ang panginoon ng aliping yaon sa araw na hindi niya hinihintay, at sa oras na hindi niya nalalaman, at siya'y hahatiin sa gitna, at isasama ang kaniyang bahagi sa mga di mananampalataya. (At sa Diyos ang laging kaluwalhatian)
ANG BANAL NA EBANGHELYO AYON KAY SAN LUCAS (7:36-50)
At ipinamanhik sa kaniya ng isa sa mga Fariseo na kumaing kasalo niya. At siya'y pumasok sa bahay ng Fariseo at naupo sa dulang.
At narito, ang isang babaing makasalanan na nasa bayan; at nang maalaman niyang siya'y nasa dulang ng pagkain sa bahay ng Fariseo ay nagdala siya ng isang sisidlang alabastro na puno ng unguento,
At nakatayo sa likuran sa kaniyang mga paanan na tumatangis, ay pinasimulan niyang dinilig ng mga luha ang kaniyang mga paa, at ang mga ito'y kinukuskos ng buhok ng kaniyang ulo, at hinahagkan ang kaniyang mga paa, at pinapahiran ng unguento.
Nang makita nga ito ng Fariseo na sa kaniya'y naganyaya, ay nagsalita sa kaniyang sarili, na sinasabi, Ang taong ito, kung siya'y isang propeta ay nakikilala niya kung sino at kung ano ang babaing ito na sa kaniya'y humihipo, na siya'y makasalanan.
At pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kaniya, Simon, ako'y may isang bagay na sasabihin sa iyo. At sinabi niya, Guro, sabihin mo.
Isang may pautang ay may dalawang may utang sa kaniya: at ang isa'y may utang na limang daang denario, at ang isa'y limangpu.
Nang sila'y walang maibayad, ay kapuwa pinatawad niya. Alin nga sa kanila ang lalong iibig sa kaniya?
Sumagot si Simon at sinabi, Inaakala ko na yaong pinatawad niya ng lalong malaki. At sinabi niya sa kaniya, Matuwid ang pagkahatol mo.
At paglingon sa babae, ay sinabi niya kay Simon, Nakikita mo baga ang babaing ito? Pumasok ako sa iyong bahay, hindi mo ako binigyan ng tubig na ukol sa aking mga paa: datapuwa't dinilig niya ang aking mga ng kaniyang mga luha, at kinuskos ng kaniyang buhok.
Hindi mo ako binigyan ng halik: datapuwa't siya, buhat nang ako'y pumasok ay hindi humihinto ng paghalik sa aking mga paa.
Hindi mo pinahiran ng langis ang aking ulo: datapuwa't pinahiran niya ng unguento ang aking mga paa.
Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Ipinatatawad ang kaniyang maraming kasalanan; sapagka't siya ay umibig ng malaki: datapuwa't sa pinatatawad ng kaunti, ay kakaunti ang pagibig.
At sinabi niya sa babae, Ipinatatawad ang iyong mga kasalanan.
At ang mga kasalo niyang nangakaupo sa dulang ng pagkain ay nagpasimulang nangagsabi sa kanilang sarili, Sino ito, na nagpapatawad pati ng mga kasalanan?
At sinabi niya sa babae, Iniligtas ka ng iyong pananampalataya; yumaon kang payapa.
Tenoo oasht emmok o piekhristos nem pekyot en aghathos nem pi epnevma ethowab je akee ak soati emmon nai nan
Sinasamba Ka namin, O Cristo, kasama ang Iyong Mabuting Ama at ang Espiritu Santo, sapagkat dumating Ka at iniligtas Mo kami.
1. Ipagkaloob Mo sa akin, O Panginoon, ang maraming bukal ng luha, gaya ng ibinigay Mo noong una sa makasalanang babae. Gawin Mo akong marapat na hugasan ang Iyong mga Paa na nagpalaya sa akin mula sa landas ng pagkaligaw, at maihandog sa Iyo ang mahalagang mamahaling pabango, at makamit, sa pamamagitan ng pagsisisi, ang malinis na buhay, upang marinig ko ang tinig na puspos ng kagalakan: “Iniligtas ka ng iyong pananampalataya.”
Doxa Patri ke Eioa ke Agio Pnevmati
Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.
2. Kapag nagninilay ako sa marami kong masasamang gawa, at sumaisip ko ang kakilakilabot na paghuhukom, ako’y nanginginig at kumakanlong sa Iyo, O Diyos na Maibigin sa tao. Huwag Mo sanang ilayo ang Iyong mukha sa akin, ipinakikiusap ko sa Iyo, Ikaw lamang ang walang kasalanan. Ipagkaloob Mo ng kapakumbabaan ang aking dukhang kaluluwa bago dumating ang wakas, at iligtas Mo ako.
Ke nin ke a ee ke ees toos e onas toan e oa noan ameen.
Ngayon at kailanman at magpasawalang-hanggan. Amen.
3. Binabasbasan Ka ng mga langit, O puspos ng biyaya, ang Nobyang kailanman ay di nag-asawa. At kami man ay niluluwalhati ang iyong di-maarok na panganganak. O Theotokos, Ina ng awa at kaligtasan, ipamagitan mo ang kaligtasan ng aming mga kaluluwa.
Ke nin ke a ee ke ees toos e onas toan e oa noan ameen.
Ngayon at kailanman at magpasawalang-hanggan. Amen.
4. O Makalangit na Hari, ang Mangaaliw, ang Espiritu ng katotohanan, na nasa lahat ng dako at pumupuno sa lahat, ang tagapagtago ng mga mabubuting bagay at ang Tagapagbigay-buhay, maawaing pumarito, at manahan sa amin at linisin kami sa lahat ng karumihan, O Mabuti, at iligtas ang aming mga kaluluwa.
Doxa Patri ke Eioa ke Agio Pnevmati
Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.
5. Kung paanong kasama Mo ang Iyong mga alagad, O Tagapagligtas, at binigyan Mo sila ng kapayapaan, maawaing pumarito rin at pumarito sa amin, at pagkalooban Mo kami ng Iyong kapayapaan, at iligtas kami, at iligtas ang aming mga kaluluwa.
Ke nin ke a ee ke ees toos e onas toan e oa noan ameen.
Ngayon at kailanman at magpasawalang-hanggan. Amen.
6. Sa tuwing tumatayo kami sa Iyong banal na dambana, itinuturing kaming nakatayo sa langit. O Theotokos, Ikaw ang pintuang-daan ng langit, buksan Mo sa amin ang pintuan ng awa.
Pagkatapos ay mananalangin ang sumasamba:
Panginoon, dinggin Mo kami at maawa Ka sa amin at patawarin Mo ang aming mga kasalanan. Amen.
(Panginoon, maawa Ka) 41 ulit
Ang Banal na Kredong Ortodokso
Katotohanang sumasampalataya kami sa iisang Diyos, Diyos Ama, ang Makapangyarihan sa lahat, Lumikha ng langit at ng lupa, ng lahat ng nakikita at di-nakikita.
Sinasampalatayanan namin ang isang Panginoon na si Jesucristo, ang bugtong na Anak ng Diyos, ipinanganak mula sa Ama bago pa ang lahat ng kapanahunan; Liwanag mula sa Liwanag, Diyos na totoo mula sa Diyos na totoo; ipinanganak, hindi nilikha; kaisa ng Ama sa pagka-Diyos; na sa pamamagitan Niya ang lahat ng bagay ay nilalang. Na dahil sa atin mga tao at dahil sa ating kaligtasan ay bumaba mula sa langit, at nagkatawang-tao sa pamamagitan ng Espiritu Santo at ni Mariang Birhen, at naging tao. At ipinako sa krus dahil sa atin sa kapanahunan ni Poncio Pilato; nagdusa at inilibing; at muling nabuhay mula sa mga patay sa ikatlong araw ayon sa mga Kasulatan; at umakyat sa mga langit, at naupo sa kanan ng Kaniyang Ama; at muli Siyang darating na taglay ang kaluwalhatian upang hatulan ang mga buhay at ang mga patay; na ang Kaniyang paghahari ay walang katapusan.
Oo, sumasampalataya kami sa Espiritu Santo, ang Panginoon at Tagapagbigay-buhay, na nagmumula sa Ama; na sinasamba at dinadakila kasama ng Ama at ng Anak; na nagsalita sa mga propeta.
Sa isang Banal, Katoliko, at Apostolikong Simbahan.
At kinikilala namin ang isang binyag para sa kapatawaran ng mga kasalanan.
At hinihintay namin ang pagkabuhay na maguli ng mga patay at ang buhay ng darating na kapanahunan. Amen.
Κύριε ἐλέησον Kyrie eleison (Panginoon, maawa Ka) 41 na beses
AWIT 129
Madalas na ako'y dinalamhati nila mula sa aking kabataan, sabihin ngayon ng Israel,
Madalas na ako'y dinalamhati nila mula sa aking kabataan: gayon ma'y hindi sila nanganaig laban sa akin.
Ang mga mangaararo ay nagsiararo sa aking likod; kanilang pinahaba ang kanilang bungkal.
Ang Panginoon ay matuwid: kaniyang pinutol ang mga panali ng masama.
Mapahiya sila at magsitalikod, silang lahat na nangagtatanim ng loob sa Sion.
Sila'y maging parang damo sa mga bubungan, na natutuyo bago lumaki:
Na hindi pinupuno ng manggagapas ang kaniyang kamay niyaon, ni siyang nagtatali man ng mga bigkis, ang kaniyang sinapupunan.
Hindi man sinasabi ng nagsisipagdaan, ang pagpapala ng Panginoon, ay sumainyo nawa; binabasbasan namin kayo sa pangalan ng Panginoon.
AWIT 131
Panginoon, hindi hambog ang aking puso, ni mayabang man ang aking mga mata; ni nagsasanay man ako sa mga dakilang bagay, o sa mga bagay na totoong kagilagilalas sa akin.
Tunay na aking itiniwasay at itinahimik ang aking kaluluwa; parang batang inihiwalay sa suso sa kaniyang ina, ang kaluluwa ko ay parang inihiwalay na bata sa suso.
Oh Israel, umasa ka sa Panginoon mula sa panahong ito at sa magpakailan pa man.
AWIT 132