Ang Kredo ng Ortodokso
The Orthodox Creed
Tunay na sumasampalataya tayo sa iisang Diyos, sa Diyos Ama na Makapangyarihan sa lahat, Lumikha ng langit at lupa at ng lahat ng nakikita at hindi nakikita.
Sumasampalataya tayo sa iisang Panginoong Hesukristo, ang bugtong na Anak ng Diyos, isinilang mula sa Ama bago pa ang lahat ng panahon. Liwanag mula sa Liwanag, Diyos na totoo mula sa Diyos na totoo; isinilang, hindi nilikha; kaisa sa pagka-Diyos ng Ama; sa pamamagitan niya ay nilikha ang lahat.
Para sa ating mga tao at para sa ating kaligtasan, bumaba siya mula sa langit; nagkatawang-tao sa pamamagitan ng Espiritu Santo at ng Birheng Maria at naging tao.
Ipinako siya sa krus para sa atin sa ilalim ni Poncio Pilato, nagpakasakit at inilibing; at sa ikatlong araw ay muling nabuhay mula sa mga patay ayon sa Kasulatan.
Umakyat siya sa langit at nakaluklok sa kanan ng kanyang Ama; muli siyang darating nang may kaluwalhatian upang hatulan ang mga buhay at mga patay; at ang kanyang kaharian ay walang hanggan.
Oo, sumasampalataya tayo sa Espiritu Santo, ang Panginoon at Tagapagbigay-buhay, na nagmumula sa Ama; na kasama ng Ama at ng Anak ay sinasamba at niluluwalhati; na nagsalita sa pamamagitan ng mga propeta.
At sa iisa, banal, katolika at apostolikang Simbahan. Ipinahahayag natin ang iisang binyag para sa kapatawaran ng mga kasalanan.
Hinihintay natin ang muling pagkabuhay ng mga patay at ang buhay sa panahong darating. Amen.